31/07/2026
📌 GINANAP | Anti-Trafficking, Gender-Based Violence, and Sexual Harassment Orientation
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang ligtas, inklusibo, at may malasakit na komunidad, matagumpay na isinagawa ang Anti-Trafficking, Gender-Based Violence, and Sexual Harassment Orientation sa Audio-Visual Room (AVR) ng Pagamutan ng Dasmariñas, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Nagbigay ng Opening Remarks si Dr. Benedicto R. Pascual, Jr., Hospital Administrator, habang ang Welcoming Remarks ay ibinahagi ni Ms. Cristina V. Bautista, RSW.
Pinangunahan naman ni Prosecutor Frela S. Panco-Delay Cruz ang orientation, kung saan tinalakay ang mahahalagang batas, karapatan, at mga mekanismo ng pagprotekta laban sa human trafficking, gender-based violence, at sexual harassment. Layunin nitong palakasin ang kamalayan at kakayahan ng bawat isa na makilala, maiwasan, at maipagbigay-alam ang mga ganitong uri ng pang-aabuso.
Bilang suporta sa adbokasiya para sa kababaihan at pamilya, dumalo rin at nagbigay ng mensahe ng suporta si SPM Daisy Lyn P. Alvarez, Chairperson ng Committee on Women and Family.
💙 Isang mahalagang paalala mula sa Pagamutan ng Dasmariñas – Public Health Unit:
Ang kaalaman ang unang hakbang sa pag-iwas at pagprotekta. Patuloy nating palakasin ang ating komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tamang impormasyon upang maging mas ligtas ang bawat Dasmarineño, lalo na ang ating mga kababaihan, kabataan, at mga vulnerable na sektor.
✨ Sa sama-samang pagkilos, masisiguro natin ang isang komunidad na may respeto, dignidad, at kaligtasan para sa lahat.