24/06/2026
STI OF THE WEEK: 🦠 SYPHILIS
✔️ ALAMIN. ✔️ MAGPA-TEST. ✔️ MAGPAGAMOT.
Ang Syphilis ay isang s*xually transmitted infection (STI) na dulot ng bacteria na **Treponema pallidum**. Maaari itong makaapekto sa kahit sinong s*xually active at naipapasa sa pamamagitan ng vaginal, a**l, o oral s*x. Maaari rin itong maipasa mula sa buntis na ina patungo sa kanyang sanggol habang nagbubuntis o sa panahon ng panganganak (congenital syphilis).
⚠️ Mahalagang malaman:
Ang syphilis ay tinatawag na "great imitator" dahil ang mga sintomas nito ay maaaring mapagkamalang ibang sakit. Marami ring taong may syphilis ang walang sintomas, lalo na sa mga unang yugto ng impeksyon.
Tandaan: Kahit walang sintomas, maaari pa rin itong maipasa sa s*xual partner at magdulot ng seryosong komplikasyon kung hindi maagapan.
🔍 Mga Posibleng Sintomas:
👨👩 Primary Syphilis:
• Isang sugat (chancre) na karaniwang hindi masakit sa ari, puwitan, bibig, o ibang bahagi ng katawan
• Kusang nawawala ang sugat kahit hindi magpagamot
👨👩 Secondary Syphilis:
• Pantal sa katawan, lalo na sa palad ng kamay at talampakan ng paa
• Lagnat
• Pamamaga ng kulani (lymph nodes)
• Sore throat
• Pagkapagod
• Paglalagas ng buhok (patchy hair loss)
👨👩 Latent at Late Syphilis:
Maaaring walang sintomas sa loob ng maraming taon ngunit patuloy na nakakasira sa katawan.
🚨 Kung hindi magagamot, maaaring magdulot ng:
• Pinsala sa utak at nervous system (neurosyphilis)
• Pagkabulag o pagkawala ng pandinig
• Sakit sa puso at mga ugat (cardiovascular syphilis)
• Komplikasyon sa pagbubuntis at congenital syphilis sa sanggol
• Mas mataas na panganib na magkaroon o makahawa ng HIV
💊 Magandang Balita:
Nagagamot ang Syphilis!
Sa pamamagitan ng tamang paggamot (Penicillin injection 💉) maaaring gumaling ang syphilis at maiwasan ang mga komplikasyon. Mahalagang magpagamot agad at kumpletuhin ang gamutan ayon sa payo ng healthcare provider.
✅ Paano Makakaiwas?
• Gumamit ng condom nang tama at palagian.
• Limitahan ang bilang ng s*xual partners.
• Magpa-test nang regular, lalo na kung may bago o higit sa isang partner.
• Maging bukas sa pakikipag-usap sa partner tungkol sa s*xual health.
• Magpatingin agad kung may sugat, pantal, o iba pang sintomas.
• Kumpletuhin ang gamutan at ipasuri rin ang iyong s*xual partner upang maiwasan ang muling pagkahawa.
🏥 Get Tested. Get Treated. Stay Protected.
Ang Dasmariñas Social Hygiene Clinic ay nagbibigay ng libre, kumpidensyal, at walang diskriminasyong STI consultation, testing, treatment, counseling, at HIV services.
📍 Greenbreeze Village 4, Sitio Piela, Sampaloc 3, Dasmariñas City
📞 09105952375
💚 🏳️🌈 Ang iyong s*xual health ay mahalaga. Ang maagang pagpapasuri at pagpapagamot ay nakakatulong upang maiwasan ang komplikasyon at mapigilan ang pagkalat ng impeksyon.
✨ Walang stigma. May malasakit. Nandito kami para sa iyo. 🤗