City Health Office V - Sto. Nino II

City Health Office V - Sto. Nino II Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Health Office V - Sto. Nino II, Medical and health, Blk 47 Private Lot, Guyabano Street Brgy. Sto Nino II, Dasmariñas.

🎉 MALIGAYANG PAGBATI, CHO V BARANGAYS! 🎉Buong pagmamalaking kinikilala ng City Health Office V - Sto. Nino II  ang ating...
25/08/2026

🎉 MALIGAYANG PAGBATI, CHO V BARANGAYS! 🎉

Buong pagmamalaking kinikilala ng City Health Office V - Sto. Nino II ang ating mga barangay na kabilang sa Top 20 Barangays ng Lungsod ng Dasmariñas na may pinakamataas na bilang ng mga batang nabakunahan sa ilalim ng MR-SIA (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity), ayon sa tala noong Agosto 25, 2026! 💉❤️

🏆 TOP 20 — MGA BARANGAY NG CHO V

🥇 Top 8 – Barangay San Esteban
🥈 Top 9 – Barangay San Miguel 2
🥉 Top 10 – Barangay San Juan
🏅 Top 12 – Barangay Sto. Cristo
🏅 Top 17 – Barangay Sta. Lucia
🏅 Top 20 – Barangay Sto. Niño 1

👏 Mabuhay at maraming salamat! Ang inyong dedikasyon, sipag, at patuloy na paglilingkod upang maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas at rubella ay tunay na kahanga-hanga.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga Barangay Health Workers, health staff, volunteers, mga magulang, at lahat ng naging bahagi ng programang ito. Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagkilos at malasakit para sa kalusugan ng ating mga anak. 💚

Patuloy nating pagtulungan ang pagbuo ng isang mas malusog at mas ligtas na Lungsod ng Dasmariñas, isang batang ganap na protektado ng bakuna sa bawat pagkakataon. 💪👶💉

Muli, pagbati sa ating lahat! Mabuhay ang CHO V! 💚

24/08/2026
24/08/2026
PATULOY ANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN: MR SIA VAS 2nd Week | Agosto 17–20, 2026Sa kabila ng apat na araw na suspensyon ng...
21/08/2026

PATULOY ANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN: MR SIA VAS 2nd Week | Agosto 17–20, 2026

Sa kabila ng apat na araw na suspensyon ng trabaho para sa mga kawani ng pamahalaan dahil sa matinding pag-ulan, hindi napigilan ang ating mga health workers na ipagpatuloy ang kanilang mahalagang tungkulin para sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga kabataan.

Patuloy na isinagawa ng mga vaccination team ng City Health Office V - Sto. Nino II ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) ngayong ikalawang linggo, mula Agosto 17 hanggang 20, 2026. Sa kabila ng masamang panahon at mga hamon na dulot nito, buong dedikasyon silang nagtungo sa mga fixed at temporary fixed sites upang maipagpatuloy ang pagbabakuna at maprotektahan ang mga batang ating nasasakupan laban sa tigdas at rubella.

Bilang pagpapakita ng buong suporta at malasakit sa kanyang mga kawani, isinagawa ni Dr. Madonna Masilungan-Peren, OIC–City Health Officer V, ang supervisory visits sa mga fixed at temporary fixed vaccination sites. Personal niyang binisita at sinubaybayan ang mga vaccination team, at tiniyak ang patuloy na suporta ng pamunuan ng City Health Office V sa kanilang mga health workers na walang pagod na naglilingkod sa komunidad.

Ang kanilang dedikasyon ay patunay na sa anumang sitwasyon, ulan man o anumang pagsubok patuloy ang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng ating masisipag at dedikadong health workers, vaccination teams, support staff at Immunization task force Overall lead Barangay Chairman sa kanilang walang sawang paglilingkod at pagtupad sa tungkulin.

MR SIA-VAS Patuloy Para sa Kalusugan at Kaligtasan ng Bawat Batang 6 buwan hanggang 59 buwang gulang! 💉❤️






City of Dasmariñas Health Education and Promotion Unit

Magandang umaga po. Magkita kita po tayo sa Brgy. San Juan mamayang alas 9.  Salamat po!
15/08/2026

Magandang umaga po. Magkita kita po tayo sa Brgy. San Juan mamayang alas 9. Salamat po!

15/08/2026

KAHIT SINO PWEDENG MAGKAROON NG TUBERCULOSIS

Detalye sa comment section.




15/08/2026
15/08/2026
UNANG LINGGO NG MR SIA-VAS 2026 💉💊Matagumpay na naisagawa ng City Health Office V - Sto. Nino II ang unang linggo ng Mea...
15/08/2026

UNANG LINGGO NG MR SIA-VAS 2026 💉💊

Matagumpay na naisagawa ng City Health Office V - Sto. Nino II ang unang linggo ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation (MR SIA-VAS) noong Agosto 10–14, 2026, na isinagawa sa 17 Barangay bilang bahagi ng pagpapatupad ng programa para sa kalusugan at proteksyon ng ating mga kabataan.

Sa pangunguna ng CHO V OIC, Dr. Madonna Masilungan-Peren, at sa pakikipagtulungan ng ating mga Barangay Immunization Task Force matagumpay na naipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa kabila ng halos isang linggong pag-ulan at sama ng panahon.

Hindi naging hadlang ang bagyo at patuloy na pag-ulan sa ating mga vaccinators, Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at iba pang miyembro ng Immunization Task Force upang magpatuloy sa kanilang tungkulin at maihatid ang bakuna at Vitamin A supplementation sa mga batang 6 buwan hanggang 59 buwang gulang.

Lubos ang aming pasasalamat sa 17 Barangays na sakop ng CHO V, sa pangunguna ng kani-kanilang Barangay Captains, kasama ang buong barangay health teams, sa kanilang suporta, pagtutulungan, dedikasyon, at malasakit sa kalusugan ng ating mga kabataan.

👏 Maraming salamat din sa mga magulang at guardians na nagpabakuna sa kanilang mga anak.

Ang bawat bakuna at Vitamin A supplementation ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas, malusog, at protektadong mga bata at komunidad. 💙

Patuloy tayong magkaisa para sa kalusugan at kinabukasan ng bawat bata!

📸 Narito ang ilang larawan bilang dokumentasyon ng isinagawang MR SIA-VAS activities sa ating 17 Barangay.






City of Dasmariñas Health Education and Promotion Unit

Address

Blk 47 Private Lot, Guyabano Street Brgy. Sto Nino II
Dasmariñas

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health Office V - Sto. Nino II posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share