02/06/2026
𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨 𝐛𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐫𝐢 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠 𝐭𝐮𝐭𝐮𝐫𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐭𝐢 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐕𝐚𝐜𝐜𝐢𝐧𝐞 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐨?
Munting kaalaman hatid ng JGMD Medical Clinic and Animal bite Center, dahil 🤓👍🏻
1. 𝐈𝐧𝐭𝐫𝐚𝐦𝐮𝐬𝐜𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐫𝐨𝐮𝐭𝐞:
✅ Pagkuha ng buong laman ng natimplang gamot sa bote at pagturok derecho sa laman.
2. 𝐈𝐧𝐭𝐫𝐚𝐝𝐞𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐫𝐨𝐮𝐭𝐞:
✅ Pagkuha na 0.1 hanggang 0.2 ml ng gamot at pagtuturok sa balat ng gamot. Maaring isa o magkabilang braso depende sa 'regimen' na angkop sa pasyente.
Parehas ay epektibo, ngunit sa intradermal route kinakailangan ng angkop na teknik at resulta na pagpapalobo ng balat. Ito ay senyales na ang bakuna ay naibigay ng tama = 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚! 💯
Tandaan, bukod sa pagiging lehitimo at rehistrado ng mga gamot. Dapat nasusunod ang mga ito para gumana ang gamot:
👍🏼 Ito ay nakatabi sa cooling storage na 2-8 degrees at all times.
👍🏼 Ang gamot ay dapat laging bago. Hanggang 8 oras lamang mula pagkakatimpla maaring gamitin ang gamot.
👍🏼 Tama ang pagbibigay mula sa isang licensed nurse o doctor na may training sa animal bite.
𝐅𝐨𝐫 𝐬𝐚𝐟𝐞, 𝐞𝐟𝐟𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐪𝐮𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐢𝐦𝐚𝐥 𝐛𝐢𝐭𝐞 𝐭𝐫𝐞𝐚𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭? 𝐌𝐚𝐠𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐉𝐆 𝐌𝐃 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐠𝐚𝐫.
For inquiries, reach us through:
📞 0960 942 1328 or 0977 170 6575.
💌 [email protected]