14/08/2026
ππΆ ISANG TUROK, ISANG HAKBANG SA MAS LIGTAS NA KINABUKASAN! β€οΈ
Ngayong Agosto 13, 2026, patuloy nating isinusulong ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at Vitamin A Supplementation para sa ating mga batang 6 buwan hanggang 59 buwan. πππΆ
β¨ Mahalaga ang bawat bakuna!
Ang MR SIA ay isang mahalagang programa ng Department of Health (DOH) upang dagdagan ang proteksyon ng ating mga chikiting laban sa tigdas at rubella.
π’ Hindi pa tapos ang pagkakataon!
Ang MR SIA ay magpapatuloy hanggang Agosto 28, 2026.
π Nanay, Tatay, kung hindi pa nabakunahan ang inyong anak, huwag nang mag-atubili! Dalhin sila sa ating mga health workers at magtanong para sa tamang impormasyon at anumang paglilinaw tungkol sa bakuna.
π Ang proteksyon ng ating mga anak ay sama-samang responsibilidad!
π Taos-pusong pasasalamat sa ating mga masisipag at supportive na Barangay Officials na patuloy na nagbibigay ng kanilang suporta upang maging matagumpay ang programang ito.
Bakuna ngayon, dagdag proteksyon para sa kinabukasan! πβ€οΈ
Sama-sama nating gawing LIGTAS sa tigdas at rubella ang bawat chikiting! πΆπ‘οΈ