02/10/2026
KAPAG LAGING SUMOSOBRA SA ALAK, ATAY ANG NAGBABAYAD.
Ang pag-inom ng alcohol ay maaaring magdulot ng alcohol-related liver disease, kabilang ang fatty liver, hepatitis, at cirrhosis o pagkakapilat ng atay.
Maaaring magsimula ang pinsala kahit wala pang kapansin-pansing sintomas. Habang nagpapatuloy ang labis na pag-inom, maaaring lumala ang pinsala sa atay at mauwi sa malubhang sakit.
Kaya hindi dapat balewalain ang epekto ng alcohol sa kalusugan. Ang mga polisiyang nagpoprotekta sa kalusugan ay mahalagang bahagi ng pag-iwas sa alcohol-related harm, lalo na sa mga kabataan at iba pang vulnerable groups.
Sa bawat patak ng alak, alalahanin ang atay. Kalusugan ang dapat unahin.