BEVS Low Carb/Keto Delights

BEVS Low Carb/Keto Delights Online shop who offers keto , vegan and low carbs food

29/10/2025
More than 3 yrs into lowcarb pero diko pa to natikman o na try dahil base sa mga nababasa ko no nutritional value kaya h...
15/09/2025

More than 3 yrs into lowcarb pero diko pa to natikman o na try dahil base sa mga nababasa ko no nutritional value kaya huwag na lang focus na lng tayo sa rice alternatives like cabbage, cauli, sayote at eggs☺️

Care to share...

Fyi, ang Ugat ng Konjac, kung saan galing ang Shirataki, ay TOXIC sa tao

Hindi sya edible. Lason sa tao.

Bakit?

👉Dahil sa sobra sobrang dami ng OXALATE. Ang oxalate, pag naging calcium oxalate sa katawan natin, pwede syang maging kidney stones

Pero bakit edible na ang Shirataki? Dahil sa pag process ng konjac papuntang shirataki, natatanggal na ang karamihan ng oxalate.

Pero may natitira pa ring mga 100 mg oxalate sa bawat 100 grams ng shirataki.

Kaya kung may kidney stones ka, o prone to kidney stones, hindi makakabuti ang pagkain mo ng shirataki rice o noodles.

Tsaka, fyi, majority ng shirataki rice ay may halong RICE FLOUR. Hindi sya low carb kung ganyan.

I wish you Health ❤️

07/09/2025

Sana Wag Kang Mamatay sa Diabetes. O sa mga Kumplikasyon ng Diabetes

Pag matindi na ang mga kumplikasyon mo sa diabetes, maigsi na lang ang buhay mo.

Halimbawa, kung naputulan ka ng paa dahil sa diabetes, sorry to inform you, sa loob ng limang (5) taon, may 70% chance na mamamatay ka na (1).

At sa 2-3 taon, may 50% chance na puputulin na rin ang kabila mong paa (2)

Ano ang gagawin? Heto. Please listen.

1️⃣. Pag na diagnose ka na ng Diabetes, mag Low Carb Diet ka na agad.

At dun sa mga matatalino,

2️⃣. Kahit wala pa silang diabetes, naka Low Carb diet na.

Please share (pero wag sa mga kurap). Pero kung mabuti kang tao, obligasyon mo sa mundo na mabuhay ng healthy at mahaba.

References:
(1). "Survival evaluation of the patients with diabetic major lower-extremity amputations"
https://link.springer.com/article/10.1007/s12306-016-0399-y?

(2). "Amputation"
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Amputation?

I wish you Health ❤️

02/09/2025

Attention: Night Shift Workers! Huwag Kumain sa Shift Mo

1️⃣. Bad News

Kung nagtatrabaho ka sa gabi, ang daming mga negative health effects sa yo: diabetes, obesity, cancer, sakit sa puso, stroke, etc.

May sinusunod na "circadian clock" ang katawan natin. We are designed to sleep at night, and be awake during the day.

Kapag nagiba ang oras ng pagtulog, pagkain, at pagtatrabaho mo, mag suffer ang health mo.

2️⃣. Good News

Pwede mong maiwasan ang lahat ng mga negative health risks na yan sa pamamagitan ng:

👉 HINDI PAGKAIN SA SHIFT MO

Paguwi mo sa bahay, halimbawa, ng 7am, kakain ka muna. Tapos tulog. Gigising ka sa tanghali para kumain ulit. Tapos tulog. At bago ka magtrabaho sa gabi, kakain ka ulit.

Tapos sa buong magdamag ng shift mo, WALANG KAINAN.

Yan ang summary ng study na ito:

"Daytime eating prevents internal circadian misalignment and glucose intolerance in night work"
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/34860550/

Sinasabi sa pagaaral na yan na dalawa daw ang orasan ng katawan natin o "circadian clock": central clock at peripheral clock.

Ang central clock ay sa ating utak. Kontrolado sya ng liwanag at dilim.

Ang peripheral clock naman ay ang orasan sa ibang organs ng katawan: pancreas, heart, liver, adrenal gland, etc.

Halimbawa, mga 3am, hinto na ang melatonin galing sa pineal gland (hormone sa pagtulog). Maglalabas naman ng cortisol ang adrenal gland at gagawa ng glucose ang liver. Cortisol peaks at 8am.

Sa gabi bago matulog, stop na ang cortisol, at melatonin naman ang gagawin.

Kailangang naka timing ang pagkain ng mga organs na yan sa daytime.

Kung mali mali ang oras ng pagkain mo sa circadian clock, nasisira ang metabolic health: tumataas ang blood sugar, blood insulin, cortisol, blood pressure, etc. At kung gagawin mo sa matagal na panahon, marami ang magiging sakit mo.

Yun lang ang kailangang gawin para makaiwas sa mga sakit na yan:

👉HUWAG KUMAIN SA SHIFT

I wish you Health ❤️

Please share sa lahat ng night shift workers. Salamat.

01/09/2025

Insulin ang Hormone ng PAGTANDA

Kapag palaging mataas ang insulin mo, mas mabilis kang tatanda, mas maaga kang magkakasakit ng diabetes, sakit sa puso, kidney disease, cancer, inflammatory diseases, at marami pang iba.

Sa bawat pagkain mo ng carbohydrates (kanin, tinapay, noodles, pansit, spaghetti, desserts, cake, asukal, etc), palagi kang nag spike pareho ng:

🔹Blood sugar, at

🔹Blood insulin.

Pero kung ang kinakain mo ay mababa sa carbohydrates at animal based (animal food is zero in carb, high in protein at kumpleto sa vitamins, minerals, electrolytes, at trace nutrients), mas mababa ang insulin mo, at ikaw ay "insulin sensitive".

Ang mga taong pinakamahaba ang buhay at walang sakit ay yun ding mga INSULIN SENSITIVE (hindi hyperinsulinemic o insulin resistant) (1).

Ang mga palaging mataas naman ang insulin ay mas maigsi ang buhay.

👉Insulin ang hormone ng pagtanda.

Reference:
(1). "Adipokines and Aging: Findings From Centenarians and the Very Old"
Arai, Kamide, et al. Mar 2019. Frontiers in Endocrinology.
https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC6426744/?utm_source=chatgpt.com

I wish you Health ❤️

Address

Echague
3309

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BEVS Low Carb/Keto Delights posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to BEVS Low Carb/Keto Delights:

Share