Dr. Jezarine Paul A. Ibus

Dr. Jezarine Paul A. Ibus Your doctor on the go

07/08/2025
01/08/2025

⚠️ DIABETES, NANATILING IKALIMANG SANHI NG PAGKAMATAY NG MGA PILIPINO

‼️Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2024), ang diabetes ang ika-5 na pangunahing sanhi ng mortality sa Pilipinas. Ilan sa mga itinuturong dahilan nito ay ang madalas at labis na pagkain at pag-inom ng matatamis.

Ilan sa mga komplikasyon na maaaring idulot ng diabetes ay:
❤️ Atake sa puso at stroke
👁️ Pagkabulag o problema sa paningin
🦶 Pagkaputol ng paa o bahagi ng katawan (amputasyon)
🩺 Kidney failure

Basahin ang larawan para sa mga dapat gawin upang maiwasan ang diabetes.

Bantayan ang iyong blood sugar, kumunsulta sa inyong health center ngayon!

Isang paalala ngayong Diabetes Awareness Week.




27/07/2025

Code 𝗕𝗟𝗨𝗘 alert status, itinaas ng DOH Cagayan Valley bilang paghahanda sa anumang maaaring mangyari dulot ng pinagsamang epekto ng 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗺 𝗗𝗮𝗻𝘁𝗲, 𝗧𝘆𝗽𝗵𝗼𝗼𝗻 𝗘𝗺𝗼𝗻𝗴, 𝗟𝗼𝘄 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗔𝗿𝗲𝗮 (𝗟𝗣𝗔), at 𝗛𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁 (𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝘄𝗲𝘀𝘁 𝗠𝗼𝗻𝘀𝗼𝗼𝗻).

Narito ang mga paghahandang isinagawa ng DOH Cagayan Valley sa pagtaas ng Code BLUE alert status:

✅ Pagmomobilisa ng response teams at kahandaan ng mga health facilities (tauhan, gamot, kagamitan, ambulansya)

✅ Pakikipag-ugnayan sa LGUs at partner agencies para sa koordinadong emergency response

✅ Pagpapalaganap ng impormasyon at health advisories sa publiko upang mapanatili ang kaligtasan at kahandaan

27/07/2025

🚨 MAG-INGAT SA PAGLILINIS PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE 🚨

Dahil meron pa ring dalang pag-ulan ang habagat, hintayin muna hanggang tuluyang humupa ang baha at siguruhing ligtas na ang paligid bago simulan ang paglilinis.

Para makaiwas sa aksidente, narito ang ilang paalala ng DOH:
✔️ Magsuot ng bota, gloves, goggles, at mask
✔️ Humingi ng tulong sa pagbubuhat ng mabibigat
✔️ Mag-ingat sa paggamit ng mga kemikal na panglinis, gaya ng bleach







27/07/2025

🚨MGA IITLUGAN NG LAMOK, MAS MARAMI DAHIL SA ULAN; DOH 4T GAWING REGULAR KONTRA DENGUE🚨

Bahagyang tumaas ang kaso ng dengue sa unang dalawang linggo ng Hunyo. Mula 8,233 noong June 1-14, tumaas ito sa 10,733 pagdating ng June 15-28. Pinaghahandaan na ng DOH ang pagtaas sa kaso ng dengue dahil sa sunod sunod na pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang linggo.

Paalala ng DOH na gawin ang 4Ts para walang pamahayan ang lamok dengue na aedes. Maging alerto matapos maipon ang ulan sa paligid at mga lalagyan kung saan nangingitlog ang lamok na ito.
Gawin ang:
❗️Taob
❗️Taktak
❗️Tuyo
❗️Takip ️

Tandaan: Kung walang lamok, walang dengue!





26/07/2025

🧺𝐊𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐮𝐬𝐮𝐬𝐭𝐚𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧! 🧺

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧! Ating isinusulong ang temang 𝑭𝒐𝒐𝒅 𝒂𝒕 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒄𝒖𝒓𝒊𝒕𝒚 𝑴𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒓𝒊𝒐𝒓𝒊𝒕𝒚! 𝑺𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒊𝒏, 𝑲𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒏 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒏!

Narito ang mga mahahalagang dapat tandaan upang makamit ang Food and Nutrition Security:
🍽Kumain ng Go, Grow, and Glow foods.🍚🍗🥬🍎
🏃🏽‍♀️‍➡️Mag-ehersisyo ng 30-min. - 1 oras kada araw.
🤱🏽Inay, magpasuso nang eksklusibo sa unang 6 na buwan.
🌱Magtanim ng gulay at prutas sa bakuran.

Iwasan ang malnutrisyon at mga sakit! Gawin ang mga nabanggit para siguradong hindi lang tiyan ang busog, kundi may sapat ding nutrisyon para sa malakas na pangangatawan 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔, 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑩𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒂𝒚 𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂!






26/07/2025

𝐒𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐲𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚? 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐢𝐚𝐫!

Ang 𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐠𝐲 ay hindi lang simpleng pangangati o pagbahing. Maaari itong mauwi sa anaphylactic shock na 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒏𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚.

Ito ang mga unang senyales ng anaphylaxis na dapat bantayan:
⚠️Pantal at pangangati na may matinding pamamaga
⚠️Paninikip ng dibdib o hirap sa paghinga
⚠️Pagbilis ng tibok ng puso
⚠️Pagbagsak ng presyon

Kapag napansin ang mga sintomas na ito, kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center o ospital.

Iwasang lumala ang simpleng pangangati at pagbahing na dulot ng matinding allergic reaction na anaphylactic shock! Maging alerto, at huwag ipagsawalang bahala ang mga sintomas ng anaphylaxis.



26/07/2025

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨: 𝐇𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐛𝐢𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚.

Ang paglangoy at paliligo sa tubig baha na maaaring kontaminado ng ihi ng hayop ay maaaring magdulot ng 𝐋𝐞𝐩𝐭𝐨𝐬𝐩𝐢𝐫𝐨𝐬𝐢𝐬.

Kaagad na hugasan ng malinis na tubig at sabon ang bahagi ng katawan at kumonsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar kung ikaw ay na-expose sa tubig baha.

Maagap na aksyon ang mabisang proteksyon laban sa Leptospirosis. Dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!




26/07/2025

🚭 BAWAL ANG YOSI AT V**E SA MGA EVACUATION CENTER 🚭

Ayon sa datos ng DSWD, nananatiling 54,809 na pamilya o 198,052 na indibidwal ang kasalukuyang nasa loob ng 1,689 evacuation centers sa bansa matapos ang sunod sunod na ulan nitong mga nakaraang araw.

Dahil dito, ipinaalala ng Department of Health na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng sigarilyo at v**e sa mga pampublikong lugar—kabilang ang paaralan at evacuation centers, ayon sa Republic Act 9211 at Executive Order No. 106.

Ang sigarilyo at v**e ay:

🚭 masama lalo na para sa may hika, ubo, o iba pang sakit
🚭 delikado para sa mga buntis, sanggol, at bata
🚭 pwedeng pagmulan ng sunog

📞 Para naman sa tulong sa pagquit, tumawag sa DOH Quitline 1558.

Igalang ang kalusugan at kaligtasan ng lahat.








26/07/2025

🫂𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐲 𝐥𝐮𝐠𝐚𝐫 𝐤𝐚 𝐫𝐢𝐭𝐨.🫂

➡️𝑴𝒂𝒈-𝑷𝒓𝑬𝑷 𝑼𝒑: 𝑷𝒐𝒘𝒆𝒓 𝒖𝒑 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒑𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏𝒔𝒕 𝑯𝑰𝑽!

Ipinapayong mag-PrEPP ang mga:
👉🏼Negatibo ang resulta sa HIV test at aktibo sa pakikipagtalik
👉🏼May partner na PLHIV na hindi alam ang kanyang viral load
👉🏼Na-diagnose ng anumang sexually transmitted infection

Magpakonsulta sa pinakamalapit na DOH HIV care facility area para makapag-enroll sa PrEP: i-Scan ang QR code para sa mga detalye.

Huwag mahihiyang magtanong – may kasama ka rito 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔, 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑩𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒂𝒚 𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂!

Month



25/07/2025

Address

54 Purok 4 Alvarez Street, Mabini
Gamu
3301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Jezarine Paul A. Ibus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share