Ian Cesar D Norombaba, MD

Ian Cesar D Norombaba, MD Dr. Norombaba is a Primary Care Physician. This page aims to deliver health updates to filipinos.

20/08/2026
09/08/2026

🌧️⚠️ LUMUSONG KA BA SA BAHA? MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS! 🐀

Sa patuloy at walang tigil na pag-ulan at pagbaha sa NCR at North Luzon, marami ang napipilitang lumusong sa baha upang makaligtas, makauwi, o tumulong sa kanilang pamilya at komunidad.

⚠️ Tandaan: Ang tubig-baha ay maaaring kontaminado ng ihi ng daga at maaaring maglaman ng bacteria na nagdudulot ng LEPTOSPIROSIS.

Mas mataas ang panganib kung ikaw ay:
• Lumusong o naglakad sa baha
• Nalubog o na-expose sa tubig-baha nang matagal
• May sugat, galos o bukas na bahagi ng balat
• Nakalanghap o nakainom ng kontaminadong tubig
• Paulit-ulit o ilang araw na na-expose sa baha

🩺 HUWAG BASTA UMINOM NG DOXYCYCLINE.

Ang pangangailangan at tamang regimen ng doxycycline ay nakadepende sa uri at antas ng exposure, edad, pagbubuntis/pagpapasuso, allergies, medical history, at iba pang kondisyon. Hindi rin 100% na napipigilan ng antibiotic prophylaxis ang leptospirosis. (Caro⁠)

🩺 LIBRENG KONSULTASYON AT RESETA

Para sa mga na-expose sa baha at nangangailangan ng assessment para sa leptospirosis post-exposure prophylaxis, maaari kayong magpa-konsulta.

LIBRENG KONSULTASYON
LIBRENG RESITA/PRESCRIPTION KUNG ANG DOXYCYCLINE AY ANGKOP AYON SA ASSESSMENT

📌 Ipadala lamang ang sumusunod na detalye:

Complete Name:
Date of Birth:
Age:
S*x:

Matapos nito, isasagawa ang kaukulang clinical at exposure risk assessment bago magbigay ng reseta.

🚨 Kung may lagnat, matinding sakit ng katawan o kalamnan lalo na sa binti, matinding sakit ng ulo, pamumula ng mata, pagsusuka, paninilaw ng balat/mata, kakaunting ihi, hirap sa paghinga, o matinding panghihina pagkatapos malantad sa baha — MAGPATINGIN AGAD.

Huwag hintayin na lumala ang sintomas.

Iwasan ang paglusong sa baha kung hindi kinakailangan. Kung kinakailangan, gumamit ng boots, gloves at iba pang protective equipment. Pagkatapos ma-expose, hugasan agad ang balat gamit ang malinis na tubig at sabon.

Sa baha, mag-ingat. Sa Leptospirosis, maagap na pagkonsulta ang mahalaga.

https://www.facebook.com/share/1DbqHEAk6n/?mibextid=wwXIfr

🌧️⚠️ LUMUSONG KA BA SA BAHA? MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS! 🐀Sa patuloy at walang tigil na pag-ulan at pagbaha sa NCR at No...
09/08/2026

🌧️⚠️ LUMUSONG KA BA SA BAHA? MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS! 🐀

Sa patuloy at walang tigil na pag-ulan at pagbaha sa NCR at North Luzon, marami ang napipilitang lumusong sa baha upang makaligtas, makauwi, o tumulong sa kanilang pamilya at komunidad.

⚠️ Tandaan: Ang tubig-baha ay maaaring kontaminado ng ihi ng daga at maaaring maglaman ng bacteria na nagdudulot ng LEPTOSPIROSIS.

Mas mataas ang panganib kung ikaw ay:
• Lumusong o naglakad sa baha
• Nalubog o na-expose sa tubig-baha nang matagal
• May sugat, galos o bukas na bahagi ng balat
• Nakalanghap o nakainom ng kontaminadong tubig
• Paulit-ulit o ilang araw na na-expose sa baha

🩺 HUWAG BASTA UMINOM NG DOXYCYCLINE.

Ang pangangailangan at tamang regimen ng doxycycline ay nakadepende sa uri at antas ng exposure, edad, pagbubuntis/pagpapasuso, allergies, medical history, at iba pang kondisyon. Hindi rin 100% na napipigilan ng antibiotic prophylaxis ang leptospirosis.

🩺 LIBRENG KONSULTASYON AT RESETA

Para sa mga na-expose sa baha at nangangailangan ng assessment para sa leptospirosis post-exposure prophylaxis, maaari kayong magpa-konsulta.

LIBRENG KONSULTASYON
LIBRENG RESITA/PRESCRIPTION KUNG ANG DOXYCYCLINE AY ANGKOP AYON SA ASSESSMENT

📌 Ipadala lamang ang sumusunod na detalye:

Complete Name:
Date of Birth:
Age:
S*x:

Matapos nito, isasagawa ang kaukulang clinical at exposure risk assessment bago magbigay ng reseta.

🚨 Kung may lagnat, matinding sakit ng katawan o kalamnan lalo na sa binti, matinding sakit ng ulo, pamumula ng mata, pagsusuka, paninilaw ng balat/mata, kakaunting ihi, hirap sa paghinga, o matinding panghihina pagkatapos malantad sa baha — MAGPATINGIN AGAD.

Huwag hintayin na lumala ang sintomas.

Iwasan ang paglusong sa baha kung hindi kinakailangan. Kung kinakailangan, gumamit ng boots, gloves at iba pang protective equipment. Pagkatapos ma-expose, hugasan agad ang balat gamit ang malinis na tubig at sabon.

Sa baha, mag-ingat. Sa Leptospirosis, maagap na pagkonsulta ang mahalaga.

https://www.facebook.com/share/1DbqHEAk6n/?mibextid=wwXIfr

Dr. Norombaba is a Primary Care Physician. This page aims to deliver health updates to filipinos.

Sama-sama sa Pagsuporta sa Pagpapasuso para sa Mas Malusog na KinabukasanAng unang yakap ng isang ina at ang unang pagsu...
03/08/2026

Sama-sama sa Pagsuporta sa Pagpapasuso para sa Mas Malusog na Kinabukasan

Ang unang yakap ng isang ina at ang unang pagsuso ng sanggol sa loob ng unang oras matapos ipanganak ay isang napakahalagang hakbang tungo sa isang malusog na kinabukasan. Sa pagdiriwang ng World Breastfeeding Week, ating kinikilala na ang pagpapasuso ay hindi lamang paraan ng pagpapakain, kundi isang pamumuhunan sa kalusugan, pag-unlad, at kinabukasan ng bawat bata.

Ang gatas ng ina ang pinakamainam at pinakakumpletong pagkain para sa sanggol. Taglay nito ang lahat ng sustansya at tubig na kailangan ng isang sanggol sa unang anim na buwan ng buhay. Dahil dito, inirerekomenda ang eksklusibong pagpapasuso sa unang anim na buwan, nang walang tubig, pulot-pukyutan, glucose, formula milk, o anumang ibang pagkain o inumin.

Mahalaga ring maibigay sa sanggol ang colostrum, ang unang gatas ng ina na madalas tawaging “unang natural na bakuna” ng sanggol. Mayaman ito sa antibodies at mahahalagang sustansya na tumutulong sa pagpapalakas ng resistensya at nagbibigay ng proteksyon laban sa iba’t ibang impeksyon at sakit.

Maraming benepisyo ang pagpapasuso. Para sa sanggol, ito ay nakatutulong sa mas mataas na tsansa ng kaligtasan, tamang paglaki at pag-unlad, mas matatag na resistensya, mas mahusay na pag-unlad ng pag-iisip, at mas malusog na kinabukasan. Nagdudulot din ito ng mas matibay na ugnayan sa loob ng pamilya.

Hindi lamang ang sanggol ang nakikinabang. Ang pagpapasuso ay nakatutulong din sa ina sa mas mabilis na paggaling matapos manganak, pagpapababa ng panganib ng kanser sa suso at obaryo, Type 2 diabetes, at postpartum depression.

Ang matagumpay na pagpapasuso ay hindi lamang responsibilidad ng ina. Mahalaga ang suporta ng ama, pamilya, mga health worker, midwife, nurse, doktor, barangay health workers, at ng buong komunidad. Para sa mga nagtatrabahong ina, maaaring ipagpatuloy ang pagbibigay ng gatas ng ina sa pamamagitan ng tamang pag-e-express at ligtas na pag-iimbak ng breast milk.

Pagkatapos ng anim na buwan, simulan ang pagbibigay ng angkop na complementary foods habang ipinagpapatuloy ang pagpapasuso hanggang dalawang taon o higit pa.

Sa temang “Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works,” sama-sama nating palakasin ang mga programang sumusuporta sa pagpapasuso. Lumikha tayo ng isang kapaligirang nagbibigay-lakas sa bawat ina upang matagumpay na makapagpasuso at matiyak na bawat bata ay mabibigyan ng pinakamainam na simula sa buhay.

05/07/2026

You don’t have to solve every problem today.
Not every thought deserves your attention.

Address

Gandara
6706

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ian Cesar D Norombaba, MD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ian Cesar D Norombaba, MD:

Shortcuts

Share