Municipal Health Office- General Nakar, Quezon

Directions

Municipal Health Office- General Nakar, Quezon This is the Official page of MHO- General Nakar, Quezon

Happy Birthday! πŸŽ‚Your commitment and hard work are truly appreciated. May this special day bring you happiness, good hea...
19/10/2026

Happy Birthday! πŸŽ‚
Your commitment and hard work are truly appreciated. May this special day bring you happiness, good health, and success in all your endeavors. Enjoy your celebration and have a fantastic year ahead!

πŸ“βš–οΈ CALIBRATION NG WEIGHING SCALES AT VERIFICATION NG HEIGHT BOARDS SA GENERAL NAKARIsinagawa ng Municipal Health Office...
18/10/2026

πŸ“βš–οΈ CALIBRATION NG WEIGHING SCALES AT VERIFICATION NG HEIGHT BOARDS SA GENERAL NAKAR

Isinagawa ng Municipal Health Office (MHO) – Nutrition Section noong Oktubre 14–16, 2026 ang calibration ng 116 Hanging Weighing Scales at Verification ng 95 Height Boards na ipamamahagi sa bawat barangay at Barangay Health Station (BHS) ng General Nakar, Quezon.

Mahalaga ang gawaing ito upang matiyak ang katumpakan ng mga kagamitang ginagamit sa pagsukat ng timbang at tangkad, na nagsisilbing batayan sa pagkuha ng maaasahang datos para sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa bawat barangay.

Taos-pusong pasasalamat sa PMNP MPMO Panukulan, sa pangunguna nina Kimberly Salazar, RND (MNAO), Lester Linga (Technical Manager), at Ralph Michael Cordova (Data Encoder), at sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pangunguna ni Mr. Erberto Astrera, para sa kanilang mahalagang tulong, suporta, at pakikiisa sa pagsasagawa ng aktibidad.

Buong pusong pasasalamat din sa ating Punong Bayan, Mayor Alfredo J. Pujeda, sa patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at wastong nutrisyon ng mga Nakarin.

Sama-sama para sa mas tumpak na datos at mas epektibong serbisyong pangkalusugan at pangnutrisyon sa Bayan ng General Nakar!

πŸ“’ PABATID SA ATING MGA KABABAYANDahil sa limitadong suplay ng anti-rabies vaccine at mataas na bilang ng mga pasyenteng ...
09/10/2026

πŸ“’ PABATID SA ATING MGA KABABAYAN
Dahil sa limitadong suplay ng anti-rabies vaccine at mataas na bilang ng mga pasyenteng nakagat o nakalmot ng hayop, pansamantalang hindi makapagbibigay ng UNANG DOSE ang RHU General Nakar hanggang sa susunod na abiso.
Nauunawaan namin ang pangangailangan at pag-aalala ng bawat pasyente. Para sa inyong kaligtasan, mangyaring sundin ang mga sumusunod:

🩹 BAGONG KAGAT O KALMOT
Hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig nang hindi bababa sa 15 minuto. Magpatingin agad sa ibang Animal Bite Treatment Center o ospital na may available na bakuna. Huwag maghintay na magkaroon muli ng suplay sa ating RHU bago magpagamot.

πŸ’‰ MAY NAKATAKDANG KASUNOD NA DOSE
Makipag-ugnayan sa RHU upang makumpirma ang availability ng bakuna at makatanggap ng gabay sa inyong susunod na dose. Dalhin ang inyong vaccination card.

Magbibigay tayo ng panibagong abiso kapag maaari nang muling magbigay ng unang dose.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Kaligtasan at kalusugan ng bawat Nakarin ang ating prayoridad. General Nakar, Quezon

09/10/2026
01/10/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INIT

Ang El NiΓ±o ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, mas mainit ang panahon at mas kaunti ang ulan sa loob ng ilang buwan. May ulan pa rin, pero hindi ito kasing dalas ng karaniwan.

Kung may makitang palatandaan ng heat stroke, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o dalhin sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar.

πŸ“’ ALAGA KA ACTIVITY: SERBISYONG PANGKALUSUGAN, HATID SA INYO! πŸ’šInaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Barangay Minah...
28/09/2026

πŸ“’ ALAGA KA ACTIVITY: SERBISYONG PANGKALUSUGAN, HATID SA INYO! πŸ’š

Inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Barangay Minahan Norte, General Nakar, Quezon, gayundin ang mga taga-karatig barangay tulad ng Brgy. Batangan, Minahan Sur, Pisa, at iba pang kalapit na lugar, na makilahok sa ating ALAGA KA ACTIVITY!

πŸ“… Petsa: Oktubre 16, 2026 (Biyernes)
⏰ Oras: 8:00 AM
πŸ“ Lugar: Barangay Hall, Minahan Norte

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga residente na makapagpatala bilang miyembro ng PhilHealth, mag-update ng kanilang membership, at makakuha ng iba pang serbisyong pangkalusugan.

Lalo na pong hinihikayat ang mga hindi pa miyembro ng PhilHealth at mga nangangailangan ng pag-update ng kanilang impormasyon na makiisa.

πŸ“„ Huwag kalimutang dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang inyong transaksyon.

πŸ’š Sama-sama nating isulong ang kalusugan ng bawat pamilya!

ALAGA KA, KASAMA KA SA KALUSUGAN!

πŸ“’ PRIORITY ANG FIRST 90 NA HINDI PA PHILHEALTH MEMBER! πŸ’šAng Yakap service delivery caravan ng Municipal Health Office – ...
21/09/2026

πŸ“’ PRIORITY ANG FIRST 90 NA HINDI PA PHILHEALTH MEMBER! πŸ’š

Ang Yakap service delivery caravan ng Municipal Health Office – General Nakar, katuwang ang PhilHealth, ay magbibigay ng assistance para sa unang 90 na hindi pa PhilHealth members na nais magpa-enroll at malaman ang kanilang mga benepisyo.

Makakakuha rin ng tulong para sa: βœ… PhilHealth Membership Enrollment
βœ… Pag-update ng miyembro o dependent information
βœ… YAKAP Assignment Assistance
βœ… Sagot sa iba pang PhilHealth concerns

πŸ“… September 25, 2026 | 8:30 AM
πŸ“ VENUE: Barangay Anoling Covered Court

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng Universal Health Care! πŸ’šβœ¨

Sama-sama para sa Kalusugan ng Lahat, Para sa Lahat! 🫢

πŸ“’ PABATID SA MGA MAMAMAYAN NG GENERAL NAKAR, QUEZON ‼️‼️Ipinababatid po sa ating mga BUNTIS, MANGANGANAK at mga pasyente...
17/09/2026

πŸ“’ PABATID SA MGA MAMAMAYAN NG GENERAL NAKAR, QUEZON ‼️‼️

Ipinababatid po sa ating mga BUNTIS, MANGANGANAK at mga pasyenteng NAKARIN na sa darating na SEPTEMBER 19, 2026 (SABADO) ay uumpisahan na ang pagsasaayos o "renovation" ng ating PAANAKAN / MUNICIPAL HEALTH OFFICE - BIRTHING HOME dito sa Sitio Pulang Lupa, Barangay Anoling, General Nakar, Quezon sa kabutihang loob ng BDO Foundation kung kaya't tayo po ay pansamantalang lilipat sa EVACUATION CENTER bilang pansamantalang lugar - paanakan.

πŸ“ Bagong Lokasyon: Evacuation Center, Brgy. Anoling General Nakar, Quezon
(Malapit sa Municipal Police Station – General Nakar)

πŸ‘©β€βš•οΈ PATULOY NA KALINGA AT SERBISYO SA MGA INA AT SANGGOL SA BAYAN NG GENERAL NAKAR!πŸ«ΆπŸ’™

Address

Astrera Street Brgy. Poblacion
General Nakar
4338

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office- General Nakar, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share