11/05/2026
well said
hindi ka nalilito sa low carb… nalilito ka lang sa dami ng rules.
kung napansin mo, bawat source may sariling version. may bawal dito, may pwede doon. may strict, may flexible. ang ending, hindi mo na alam kung saan ka magsisimula.
kaya karamihan, ang ginagawa, pinipili yung pinaka strict. kasi yun yung mukhang “effective.”
pero dun din sila napapagod.
hindi dahil mali ang strict low carb. kundi dahil hindi sya realistic para sa lahat.
eto yung mas clear na way para intindihin siya:
- hindi kailangang iwasan ang lahat ng carbs para mag work ito
hindi mo kailangan i-zero agad. mas ok yung consistent na pakonti-konting bawas ng carbs kesa zero carbs agad sabay kakain ng sobrang daming carbs in one day.
- hindi lahat ng low carb kailangan pare-pareho
yung gumagana sa iba, hindi automatic gagana sayo. kailangan mo siyang i-adjust sa lifestyle mo
- hindi mo kailangan ng complicated rules
pag masyadong maraming bawal, mas mahirap panindigan. simple rules = mas consistent
- hindi ka dapat laging gutom
kung lagi kang hirap, may mali sa approach mo.
pag ganito mo siya tiningnan, mas nagiging simple at realistic siya.
hindi ka na nalilito. hindi ka na naghahabol ng “perfect setup.” mas nagiging klaro kung anong kaya mong panindigan.
dun nagsisimula yung consistency.