11/06/2026
The PAPSHI Mindanao Chapter stands in solidarity with MSU General Santos following the earthquake that struck on June 8. As they work toward recovery, we invite you to extend your generosity and support through this donation drive. Every contribution will help our fellow students and community members move forward and rebuild.
π πππ§ππ‘ππππ‘πππ¬ πππ§π π£ππ₯π π¦π π ππ ππππ§ππ π π‘π πππ‘ππ’π
Niyanig ng 7.8-magnitude na lindol ang Mindanao nitong Lunes, Hunyo 8, 2026. Maraming bahay at establisyemento ang nasira, maraming pamilya ang naapektuhan at nangangailangan ng agarang tulong. May mga kalsadang hindi madaanan at mga poste ng kuryente na natumba, dahilan upang maraming lugar ang manatiling walang suplay ng kuryente hanggang sa kasalukuyan.
Patuloy pa ring nararamdaman ang mga aftershock na nagdudulot ng pangamba at pag-aalala sa mga mamamayan. Sa kabila nito, may mga agarang tulong nang ipinapaabot mula sa mga karatig-bayan at sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan.
Anumang halagang inyong maibabahagi ay malaking tulong upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at makapagbigay ng pag-asa sa kanilang pagbangon.
Kung nais ninyong magbigay ng donasyon, maaari lamang i-scan ang GCash or GoTyme QR Code sa ibaba.
Maraming salamat sa inyong kabutihang-loob at pakikiisa.