18/08/2026
Paalala po sa mga buntis na na exposed sa baha:
PAG IINGAT SA LEPTOSPIROSIS PARA SA MGA BUNTIS.
Kung kayo po ay buntis at lumusong o lumangoy sa baha:
●Kung walang sugat ang bahagi ng katawan na na expose sa baha, kayo po ay LOW RISK EXPOSURE. Linisin ang katawan ng tubig at sabon at mag obserba lamang.
●Kung may sugat ang bahagi ng katawan na na expose sa baha, kayo po ay nasa MODERATE RISK EXPOSURE. Linisin ang sugat ng tubig at sabon at Kailangan kayong makita mg inyong OB-GYNE 24 hanggang 72 oras mula sa exposure nyo sa baha.
●Kung kayo ay may patuloy o pangmatagalang exposure sa baha, may sugat man ang bahagi ng katawan o wala, kayo po ay HIGH RISK ECPOSURE. Linisin ang katawan ng tubig at sabon at Kailangan po kayong makita ng inyong OB-Gyne sa loob ng 24 hanggang 72 hours mula exposure.
Mag ingat po tayong lahat