26/08/2026
⚠️ PAALALA: MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS!
Ngayong tag-ulan at maraming lugar ang nakakaranas ng pagbaha, doble ingat tayo. Ang tubig-baha ay maaaring kontaminado ng ihi ng daga o infected animals at maaaring magdulot ng leptospirosis, isang sakit na maaaring maging malubha kapag hindi naagapan.
🛑 PARA MAKAIWAS:
✅ Iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan.
✅ Kung talagang kailangan, magsuot ng rubber boots, gloves at waterproof clothing.
✅ Takpan ang mga sugat, gasgas o anumang open wound gamit ang waterproof bandage.
✅ Pagkatapos ma-expose sa baha, maligo at maghugas agad gamit ang sabon at malinis na tubig.
✅ Huwag uminom ng tubig na maaaring kontaminado; siguraduhing malinis at ligtas ang iniinom.
✅ Panatilihing malinis ang paligid at iwasan ang pagdami ng daga.
✅ Huwag balewalain ang anumang sintomas pagkatapos malusong sa baha.
🚨 MAGPATINGIN AGAD kung magkaroon ng lagnat, matinding pananakit ng katawan o kalamnan, sakit ng ulo, pamumula ng mata, pagsusuka, o paninilaw ng balat/mata—lalo na kung may history ng exposure sa baha.
🙏 Huwag hintaying lumala bago kumilos.
Ang pinakamabisang proteksyon ay iwasan ang exposure sa baha hangga’t maaari.
📢 I-share ang paalalang ito. Baka ang simpleng pag-share mo ang makatulong para makaiwas ang isang pamilya sa leptospirosis.
Mag-ingat tayo. Unahin ang kaligtasan. ❤️
A Friendly Reminder from Rull’s Care Animal Bite Center 🫰🏻
PATAY SA LEPTOSPIROSIS
Kinumpirma ni Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Chairman Dr. Rontgene Solante na umakyat na sa lima ang bilang ng mga nasawi sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital.
Sa ngayon, puno na rin ang bed capacity para sa mga kaso ng leptospirosis sa naturang ospital sa Maynila.
Nauna nang nagpaalala ang mga eksperto na agad magpatingin kung lumusong sa baha kahit pa walang open wound o sugat.