01/06/2026
MAGPAKONSULTA, MAGPAREHISTRO, AT MAGING PROTEKTADO!
Ang YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) ay narito upang tiyaking mas malawak, mas maaga, at mas de-kalidad na serbisyong pangkalusugan ang matatanggap ng bawat miyembro at kanilang pamilya.
✅ Libreng konsultasyon sa inyong Primary Care Provider
✅ Health assessment at counseling
✅ Preventive healthcare services
✅ Laboratory requests kung kinakailangan
✅ Gabay para mapanatiling malusog ang buong pamilya
📲 Madali lang magparehistro gamit ang eGovPH App at piliin ang Hagonoy Rural Health Unit IV bilang inyong YAKAP Provider.
🏥 Para sa karagdagang impormasyon at tulong sa pagpaparehistro, bumisita sa Hagonoy Rural Health Unit IV.
💚 Sa YAKAP, mas napapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilyang Pilipino.