12/01/2026
ππππππππππ πππ ππππ ππ πππ ππππππππ ππ πππ πππππ
Magandang balita para sa ating mga Overseas Filipino Workers sa Abu Dhabi!
Bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng pamahalaan na maihatid ang mga pangunahing serbisyo sa ating mga kababayang Pilipino saan mang panig ng mundo, magsasagawa ang Land Transportation Office (LTO) ng Service Mission sa Abu Dhabi, Al Ain and Western Region, UAE.
Ang Service Mission na ito ay gaganapin sa Intercontinental Hotel, Abu Dhabi sa 13 ng Enero 2026, mula 8:00 AM hanggang 6:00 PM.
Layon ng caravan na ito na bigyang pagkakataon ang ating mga kababayan na makapag-renew ng kanilang Driver's License, kahit hindi na bumabalik pa sa ating bansa para magproseso.
Kailangan lamang dalhin ang mga sumusunod upang magpatuloy sa inyong Driver's License Renewal Transaction:
β¦ Driver's License Card
β¦ Comprehensive Driver's Education (Online Validation Exam)
β¦ Any Medical Certificate Stating fit to work valid within six (6) months from date of renewal
Ang programang ito ay isinasagawa ng LTO sa pakikipagtulungan ng Embassy of the Republic of the Philippines at Migrant Workers Office, alinsunod sa direktiba at pamumuno ni Pangulong Ferdinand βBongbongβ Marcos Jr., sa ilalim ng programang Bagong Pilipinas na maipagpatuloy ang serbisyong mabilis, episyente, at abot-kamay para sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) saan man sa mundo.