Imus City Health Office

Imus City Health Office Health Services

Happy Mother's Day! ❤️Happy Safe Motherhood Week!🤰🏻 ✅ GAWING MAS LIGTAS ANG PAGBUBUNTIS, PANGANGANAK, AT POSTPARTUM PERI...
10/05/2026

Happy Mother's Day! ❤️
Happy Safe Motherhood Week!🤰🏻

✅ GAWING MAS LIGTAS ANG PAGBUBUNTIS, PANGANGANAK, AT POSTPARTUM PERIOD!
🏥 Kumonsulta sa health centers para sa wasto at ligtas na pangangalaga.
🏥 Manganak sa health facility upang masiguro ang ligtas na delivery.
🏥 Kumpletuhin ang 8 prenatal check-ups habang buntis, at 4 postnatal check-ups pagkatapos manganak.

Sa Bagong Pilipinas, Bawat Nanay Mahalaga, Bawat Buntis Mahalaga!

Alinsunod sa Proclamation No. 200, s. 2002, ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Mayo ang Safe Motherhood Week, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Ina (Mother's Day), bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kalusugan, kaligtasan at sakripisyo ng bawat nanay.





CHO activity:Isinagawa noong nakaraang Mayo 7 ng taong kasalukuyan ang isa sa dalawang araw na malawakang “Operation Tul...
10/05/2026

CHO activity:

Isinagawa noong nakaraang Mayo 7 ng taong kasalukuyan ang isa sa dalawang araw na malawakang “Operation Tuli” sa ating siyudad.

Ito ay handog ng pamahalaang Imus sa pangunguna ng ating masisipag na Congressman AJ Advincula, City Mayor Alex Advincula, Vice-Mayor Homer Saquilayan at mga city councilors. Ang nasabing kaganapan ay pinamahalaan ng Office of the City Health Officer sa pangunguna ni Dr. Ferdinand P. Mina,RMT na kaagapay ang iba pang mga doktor,nurses at midwives ng OCHO.

Hangad ng naturang programa ang pagbibigay ng libre at me kalidad na serbisyo para sa ating mga kabataang kalalakihan na makakatulong sa pag-boost ng kanilang morale tungo sa estado ng pagbibinata.


CHO Activity!Isang residential fire ang naganap sa Japan Manggahan Kawit Cavite kamakailan na kung saan ito ay nagdulot ...
08/05/2026

CHO Activity!

Isang residential fire ang naganap sa Japan Manggahan Kawit Cavite kamakailan na kung saan ito ay nagdulot din ng malaking pinsala sa ilang residente ng Barangay Toclong 2B.

Agad naman na bumisita ang ating Office of the City Health Officer sa pangunguna ni Dra. Gelyn Golamco ng City Health Office I-Velarde at ng ilang health care workers upang mabigyan ng paunang lunas ang ilang mga residente na nakaranas ng hirap sa paghinga at nangati ang lalamunan mula sa usok na nalanghap dulot ng sunog, mga sumakit ang ulo gawa ng init na dulot ng apoy, mga inatake ng nerbiyos at iba pa.

Hangad ng nasabing gawain na ipadama sa mga biktima na ang ating pamunuan ay handang tumulong sa anumang pagsubok na dumating sa ating komunidad


CHO Activity!Munting serye ng tulian ang ginanap kamakailan sa Poblacion 4-A sa pangunguna ng Office of the City Health ...
08/05/2026

CHO Activity!

Munting serye ng tulian ang ginanap kamakailan sa Poblacion 4-A sa pangunguna ng Office of the City Health Officer sa pakikipagtulungan ni Hon. Perpetua Figueras, kapitana ng nasabing barangay.

Layunin ng kaganapan na ito na maiparamdam sa mga kabataang kalalakihan na kaisa ang administrasyon sa pagpapahalaga sa kanilang pisikal na kalusugan.


hepo

Narito po ang schedule ng Yakap Caravan ng City Health Office I-Velarde. Para po sa mga nais magpa-rehistro,magsadya po ...
06/05/2026

Narito po ang schedule ng Yakap Caravan ng City Health Office I-Velarde. Para po sa mga nais magpa-rehistro,magsadya po lamang kayo sa mga lugar na naka-lista sa baba.


Mga Ka-Imuseño, nakapagpa-rehistro na po ba kayo sa Yakap Program? Halika na at tayo ay magsadya sa lugar na nakatala sa...
06/05/2026

Mga Ka-Imuseño, nakapagpa-rehistro na po ba kayo sa Yakap Program? Halika na at tayo ay magsadya sa lugar na nakatala sa baba para maging miyembro ng Yakap Program ng Philhealth! Ito na po ang huling araw ng 3 Days Yakap Caravan ng City Health Office III-Greengate CHO.


CHO Activity!Muling nagkaroon ng serye ng Youth Caravan sa UCC Anabu I-F noong Mayo 2 at Mayo 3,2026 sa Cluster 8 na pin...
03/05/2026

CHO Activity!

Muling nagkaroon ng serye ng Youth Caravan sa UCC Anabu I-F noong Mayo 2 at Mayo 3,2026 sa Cluster 8 na pinangunahan ng ating masipag na City Health Officer-Dr. Ferdinand P. Mina,RMT.
Nagbigay din ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mental health si Dra. Liezel Licudan na naging tagapag-salita noong Mayo 2 samantalang si Dr. Gelyn Golamco naman sa Cluster 8 na sinundan ng libreng HIV testing para sa mga dumalo na naglalayon na masuri ang kanilang kalusugan. Dumating din sa nasabing kaganapan si Hon. Glian Piolo Ilagan, SK President na patuloy na nagbibigay ng suporta sa ating mga kabataan.


Nais po naming ibatid ang munting impormasyon para po sa nalalapit na YAKAP CARAVAN na isasakatuparan ng CHO III-Greenga...
02/05/2026

Nais po naming ibatid ang munting impormasyon para po sa nalalapit na YAKAP CARAVAN na isasakatuparan ng CHO III-Greengate CHO na makikita sa mga sumusunod na detalye.

CHO Activity: Poblacion I-A Operation Tuli thru the effort of  Hon. Gregorio Tacus-barangay captain
01/05/2026

CHO Activity:

Poblacion I-A Operation Tuli thru the effort of Hon. Gregorio Tacus-barangay captain


CHO Activity!VIA ( Visual Inspection using Acetic Acid) smearing session at Barangay Bayan Luma I thru the effort of Hon...
27/04/2026

CHO Activity!

VIA ( Visual Inspection using Acetic Acid) smearing session at Barangay Bayan Luma I thru the effort of Hon. Melquiades Canaynay.


Nagsagawa po ng monitoring and supervision ang ating City Health Officer na si Dr. Ferdinand P. Mina,RMT sa lahat ng cit...
27/04/2026

Nagsagawa po ng monitoring and supervision ang ating City Health Officer na si Dr. Ferdinand P. Mina,RMT sa lahat ng city health offices sa ating siyudad upang mabigyan ng kasiguruhan na ang ating mga Imuseño ay makakatanggap ng programang naayon sa kanilang pangangailangan.

Tinalakay din sa nasabing pagbisita ang mga tungkulin na gagampanan ng mga City Health Workers bilang katuwang ng ating mga health care workers sa pagpapatupad ng mga programa ng Department of Health (DOH)


Address

Tahimik Street , Poblacion 3-B
Imus
4103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Imus City Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share