PEDIA Doc Alea

PEDIA Doc Alea Hi I'm Dr. Alea Ebdani, a Pediatrician based in Cavite. I do both face to face and online consultation or telemedicine.

You can get in touch with me thru the fb messenger for more information.

26/08/2026

Clinic starts at 12nn today thank you

🚨Chickenpox Cases o Bulutong🚨Kahit maulan nitong mga nakaraang linggo—at maging nitong nakaraang buwan—may mga batang na...
21/08/2026

🚨Chickenpox Cases o Bulutong🚨

Kahit maulan nitong mga nakaraang linggo—at maging nitong nakaraang buwan—may mga batang nagkonsulta sa akin dahil sa chickenpox at madalas ay sa school nanggagaling ang pagkakahawa. Hindi lang ito simpleng “pimple” or “rashes”— maaari itong magkaroon ng mga komplikasyon, bukod pa sa 2–3 weeks na maaaring hindi makapasok sa school, missed activities at dagdag gastos sa gamutan.

Kaya kung hindi pa bakunado, huwag nating hintaying mahawa muna bago kumilos. Mas mabuting protektahan ang mga bata ngayon kaysa harapin ang sakit at komplikasyon sa huli.

Varicella Vaccine - 1 yo
with booster at 4-6 yo

19/08/2026

Clinic is CANCELLED today
Pls stay safe & dry ☔️

🌧️ MONDAY RAINY DAY REMINDER, MOMS & DADS!More than 2 weeks na ang madalas na pag-ulan, kaya mas marami ring kids ang pw...
16/08/2026

🌧️ MONDAY RAINY DAY REMINDER, MOMS & DADS!

More than 2 weeks na ang madalas na pag-ulan, kaya mas marami ring kids ang pwedeng magkaroon ng colds, cough, fever, diarrhea, and other common rainy-season illnesses.

A gentle reminder, parents:
☔ Keep your little ones dry and comfortable
💧 Encourage enough fluids
🥗 Continue nutritious meals
🧼 Practice proper handwashing
🦟 Don’t forget mosquito protection
💉 Make sure vaccines are updated
👩‍⚕️ And if your child is sick, observe closely and consult your pediatrician when needed.

Hindi kailangang hintayin na lumala ang sakit bago magpatingin. 💗

Pedia Doc Alea Children’s Clinic
For consultation, wellness checks, developmental screening, and immunization.

📩 Message us for clinic schedule and appointments.

16/08/2026

A Little Pause 🤍

Break muna tayo from our usual health topics. It’s Sunday 🙏

Sharing this with you—my little girl singing a traditional Marian song. 🥹🤍 It may seem like a simple little moment, but as a mom, it warms my heart to hear her sing songs of faith.

Though we may have different religious beliefs and ways of worship, may we all share the same hope for our little ones: to grow up knowing God, trusting Him, and finding their way back to Him when life gets difficult.

Let’s guide their little hearts closer to God, so that someday, when they face problems, fears, or uncertainties, they will know where to turn, where to find comfort, and where to draw strength.

May we raise children who are not only healthy in body and mind, but also grounded in faith, love, and kindness. 🤍

Sometimes, the little things we teach them today become the faith they carry with them for a lifetime. 🙏🏻✨

Sharing this post from a pediatrician. Katulad ni Doc, nakakita rin ako ng batang may diphtheria noong ako’y nagte-train...
14/08/2026

Sharing this post from a pediatrician. Katulad ni Doc, nakakita rin ako ng batang may diphtheria noong ako’y nagte-training pa bilang pediatrician—isang karanasang hindi ko nakalimutan.

Kaya sa bawat batang pumupunta sa clinic, mahalaga sa akin ang pagpapaliwanag sa mga magulang tungkol sa bakuna. Kung bakit kailangan ito, ano ang napoprotektahan nito, at ano ang maaaring mangyari kapag hindi nabakunahan.

Ang pagpapabakuna ay hindi lang proteksyon para sa anak mo. Proteksyon din ito para sa ibang bata o ibang tao na maaaring mas vulnerable sa sakit. Dahil ang bakuna ay hindi lang para sa sarili nating pamilya para rin ito sa buong komunidad.

Check the comment section about Diphtheria Vaccine.

Story time.

Noong residente pa ako, nagkaroon kami ng kaso ng diphtheria. Classic na classic yung presentation: may makapal na gray/white pseudomembrane sa throat, high-grade fever, bull neck appearance, at iba pa.

Dumating sa ER yung 4-year-old na bata na severe respiratory distress, kaya kailangan siyang ma-intubate.

Una, hindi siya ma-intubate ng junior co-resident ko. Sabi niya, kakaiba raw talaga yung airway. Tinawag ako sa ward para tumulong.

Pagtingin ko sa lalamunan niya, ang unang bumungad sa akin yung pseudomembrane. Nasira na nga ito sa kakahawi para maipasok yung tube, at may involvement na hanggang ilong.

Ang nasabi ko na lang sa mga kasama ko:

“Shet beh. Hindi ba pseudomembrane yan? Mukhang Diphtheria ’to.” 😭

Unang tanong ko sa nanay:

“Nay, may bakuna po ba?”

Sagot niya:

“Dra, wala po. Kahit isa.”

Imagine that. 4 years old yung bata, at lahat ng anak niya ay hindi bakunado.

Tinawag na namin ang Anesthesiology dahil hindi talaga ma-intubate nang maayos kahit gumamit na ng video-assisted laryngoscope.

Eventually, nag-arrest yung bata. Nalaman namin na dalawang araw na pala siyang hinihingal sa bahay bago dinala sa ospital.

Na-revive siya, kaya agad kaming nakipag-coordinate sa San Lazaro para sa transfer dahil doon available ang diphtheria antitoxin.

Pero bago pa siya mailipat…

wala na. Nag-expire din ang bata.

At hindi pa doon natapos ang hirap.

Dahil communicable disease ang Diphtheria, kailangan naming isipin lahat ng taong na-expose—sa ospital at maging sa bahay. Kailangan ng contact tracing, assessment, at prophylaxis.

Isang bata lang ang may sakit, pero maraming tao ang kailangang gamutin at bantayan.

Kaming mga exposed—doctors, nurses, aides, at iba pa—kailangan ng prophylaxis. Everyday, nagtutusok kami ng Penicillin G for 7–10 days. Except ako, dahil allergic ako sa Penicillin. So kailangan kong uminom ng Erythromycin, na grabe rin ang side effect ng sakit sa tiyan. 😭

Kaya kapag sinasabi ng iba na:

“Choice ko naman kung magpapabakuna ako.”

I understand that vaccines involve personal decisions. Pero sana maintindihan din natin na hindi laging personal ang consequences.

Dahil kapag may isang taong nagkasakit ng isang vaccine-preventable disease, hindi lang siya ang affected.

Nadadamay ang pamilya. Nadadamay ang healthcare workers. Nadadamay ang ibang pasyente. Nadadamay ang community.

That experience as a resident never left me.

Kaya bilang isang pediatrician, lagi kong sinasabi sa mga magulang: huwag nating hintayin na magkaroon muna ng ganitong klaseng kwento sa pamilya natin bago natin seryosohin ang vaccination. Huwag nating hintayin na magkakaron ng sakit at kumplikasyon yung mga anak natin ng dahil sa mga vaccine-preventable diseases. Or wag nating hintayin na maging huli ang lahat at saka natin maiisip na “sana pinabakunahan ko siya.”

At isipin din natin ang herd immunity.

Kung hindi natin na-achieve ang sapat na population immunity during COVID-19 through vaccination, baka hanggang ngayon mas mahigpit pa rin ang restrictions, marami pa ring naka-mask, at limitado pa rin ang paglabas at pakikisalamuha natin.

Vaccination isn’t just about protecting one child. It helps protect everyone around that child, too.

Kaya bago natin sabihing, “Ayoko magpabakuna,” sana isipin din natin:

“Sino-sino ang maaaring maapektuhan kapag nagkasakit ako o ang anak ko?”

Because sometimes, one decision can create a domino effect far beyond what we imagined. ❤️

Love,
Doc Jen

13/08/2026
11/08/2026
11/08/2026

Sa lahat po ng gustong magpa-check up today sasaglit po ako sa clinic. No walk-ins. Please send a message first. Thank you!

Address

2nd Floor LV88 Commercial Bldg Toclong 2B Imus Cavite
Toclong Ii-B
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PEDIA Doc Alea posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to PEDIA Doc Alea:

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed Health & Beauty Business in Toclong Ii-B?

Share