IMUS CHO IV- Animal Bite Treatment Center

IMUS CHO IV- Animal Bite Treatment Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from IMUS CHO IV- Animal Bite Treatment Center, Medical and health, Tahimik Street Poblacion III/B Imus Cavite, Imus.

23/04/2026
20/03/2026

‼️DOH: HALOS 5 SA 10 KASO NG RABIES GALING SA ALAGANG HAYOP‼️

Mula noong nakaraang taon, 45% ng human rabies cases ay galing sa mga alagang hayop. Bagama’t bahagi na ng pamilya ang ating mga alaga, mahalaga pa ring maging maingat sa kanila upang maiwasan ang rabies.

Huwag maging kampante — panoorin ang video para malaman ang tamang paraan ng pakikisalamuha sa mga alagang hayop.

Tandaan, maging resPAWnsible pet owner to stay PAWtected! 🐾






07/03/2026

𝐑𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬: 𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐢𝐭𝐨 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭

Mga Imuseño, halinat alamin ang mahahalagang kaalaman tungkol sa Rabies mula mismo kay City Veterinarian Dr. Maribel D. Reyes.

29/10/2025

Magandang balita!

Upang tugunan ang lumalaking problema ng ating mga kababayan tungkol sa libreng Anti-rabies vaccine, ang atin pong butihing Mayor Alex “AA” Advincula ay bumili ng anti-rabies vaccine na ipapamahagi sa ating mga city health offices upang mabigyan ng bakuna at proteksyon ang ating mga kababayan na naging biktima ng kagat ng hayop (na karamihang ka*o ay kagat ng a*o at pusa). Ang aksyon na ito ay naghahangad na makadagdag sa supply na binibigay sa atin ng Department of Health.

Sa lahat po ng mga kababayan natin na nakagat ng a*o o pusa na magpapabakuna ng libreng anti-rabies,mangyari lamang po na dalhin ang inyong Philhealth ID AT ang naaangkop na ID na makikita sa bandang baba ng mensahe at ipakita ito sa ating Animal Bite Center Nurse .

Mga minumungkahing ID na dapat dalhin ay:

1.Para po sa mga adult na hindi senior o PWD-National ID o kaya ay Voter’s Certificate

2. Para naman po sa mga senior citizen natin - Imus OSCA or Voter’s Certificate

3. Para naman po sa mga PWD natin - Imus PWD ID or Voter’s Certificate

4. Para naman po sa mga menor de edad - School ID AT Voter’s Certificate ng kanilang mga magulang o guardian

Ang mga pasyente po na mabibigyan ng libreng anti-rabies vaccine ay makakatanggap ng 3 doses na mula sa rekomendasyon ng ABTC program

Paalala: First come first serve basis po tayo sa pagbabakuna samantalang UNTIL SUPPLIES LAST po pagdating naman sa supply. At ito po ay isasakatuparan sa darating naNobyembre 3,2025


Address

Tahimik Street Poblacion III/B Imus Cavite
Imus
4103

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
Friday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IMUS CHO IV- Animal Bite Treatment Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share