28/08/2026
🔴 MISSION ACCOMPLISHED! MARAMING SALAMAT SA INYONG DUGO AT MALASAKIT! ❤️🩸
Isang napagpalang araw sa ating lahat! Naging napakatagumpay at maayos ang ating 3rd Quarter Blood Donation Drive na ginanap nitong August 27, 2026 sa San Fabian Community Center!
Lubos ang aming pasasalamat sa ating 83 HEROES / SUCCESSFUL DONORS na nag-alay ng kanilang dugo upang makapagligtas ng buhay!
👏 SPECIAL ACKNOWLEDGMENTS & SHOUTOUTS:
🏥 Municipal Health Office (MHO) Echague Team
Isang malaking pagpupRespect at pasasalamat sa buong MHO Echague Family sa pangunguna ni Dr. Jacqueline Casco Buduan para sa matagumpay na pamamahala ng gawaing ito!
🩺 Ating mga MedTechs – Maraming salamat sa masusing pag-aayos at pag-organisa ng buong event, lalo na sa pag-aasikaso ng mga tokens para sa ating mga donors!
👩⚕️ Ating mga Nurses – Salamat sa maasikasong pagtanggap, pag-guide, at pag-accommodate sa ating donors sa registration area!
🤰 Ating mga Midwives – Maraming salamat sa actively na pag-inform, pagtawag, at pag-coordinate sa iba't ibang barangay para makapagpadala ng mga donors!
👩⚕️ Barangay Health Workers (BHWs)
Maraming salamat din sa ating mga BHWs na hindi nagkulang sa pag-alalay at pagtulong sa venue!
🏢 San Fabian Community Center
Salamat sa napakagandang venue at maayos na accommodation para sa ating ginanap na activity!
💉 Southern Isabela Medical Center (SIMC) Staff
Salamat sa inyong dedikasyon, professionalism, at maayos na ex*****on ng blood extraction procedures!
🏆 TOP PERFORMING BARANGAYS:
🥇 Barangay San Carlos – 12 Successful Donors
🥇 Barangay San Fabian – 12 Successful Donors
Snappy salute sa inyong dalawang barangay sa pagpapakita ng matinding suporta at malasakit! 👏🎉
🌾 PARTICIPATING BARANGAYS:
Maraming-maraming salamat sa lahat ng barangay na nakiisa at nagpadala ng kanilang mga kababayan—lalong-lalo na sa ating mga malalayong barangay na hindi nagdalawang-salita at bumiyahe pa para mag-donate!
🗓️ MARK YOUR CALENDARS FOR UPCOMING BLOOD DRIVES!
Para sa mga hindi nakapag-donate ngayong August, huwag mag-alala dahil may mga susunod pa tayong blood donation drives:
📌 September 21, 2026 – Mengal Blood Letting Activity
📌 4th Quarter Blood Letting Activity – (Details to follow)
Patuloy po tayong magkaisa at magtulungan. Ang bawat patak ng inyong dugo ay nagbibigay ng panibagong pag-asa at buhay sa ating mga kababayan!
"Give Blood, Save Life!" 🩸❤️