Doc Nikoy's Online Clinic

Doc Nikoy's Online Clinic Fellow, Philippine Pediatric Society
International Member, American Academy of Pediatrics

11/08/2026



At Asia Pacific Medical Center - Aklan, Inc., we recognize the vital role breastfeeding plays in shaping the lifelong health of every Filipino child—and it all begins with the complete and timely practice of the four essential steps of Unang Yakap.

Every step matters. Every second counts. Together, they help establish a strong foundation for successful breastfeeding.

Even for premature babies—like this 35-weeker twins delivered today—every effort we make now is an investment in a healthier future. Because the best start in life begins from the very first embrace. 🤱💛

It was an exhausting day, but my heart is full. Thank you to all 47 children who availed themselves of the free MR vacci...
10/08/2026

It was an exhausting day, but my heart is full. Thank you to all 47 children who availed themselves of the free MR vaccine at my clinic today. 💉❤️

Here’s to protecting more children and preventing outbreaks of measles and German measles in our province. When we vaccinate our children, we protect not only them but also the babies and other vulnerable members of our community.

This is public health.
This is Bayanihan! 🇵🇭

09/08/2026

Good day, everyone! 💉

For my patients who will avail themselves of the FREE Measles-Rubella (MR) vaccine, APMC-Aklan has set up a vaccination booth at the 3rd-floor Outpatient Department, near the grocery and Z Café, to help decongest our clinics.

Those who:

• are scheduled for other vaccines and would also like to receive the MR vaccine on the same day; or
• have other medical concerns requiring consultation but are eligible for the MR Supplemental Immunization Activity (SIA)

may still proceed directly to my clinic.

PAALALA: Hindi muna maaaring mabigyan ng MR vaccine ang mga batang nakatanggap within the past 28 days ng:

• any measles-containing vaccine, such as MR, MMR, MMRV
• varicella or chickenpox vaccine
• Japanese B encephalitis vaccine

However, children with mild illnesses, those currently taking medications, or those who have recently been dewormed may still receive their MR vaccine after proper screening.

Maraming salamat po! Let us work together to help make Aklan—and the entire Philippines—measles-free! 🇵🇭

VOMIT NOW, POOPS LATER.Kapag may gastroenteritis, madalas pagsusuka muna bago diarrhea dahil mas mabilis ma-trigger ng v...
09/08/2026

VOMIT NOW, POOPS LATER.

Kapag may gastroenteritis, madalas pagsusuka muna bago diarrhea dahil mas mabilis ma-trigger ng virus ang “vomiting reflex” ng katawan.

Bakit nagkakaganon? Simple lang:
Na-irritate ang bituka → nagpapadala ito ng signal sa utak → sumusuka ang bata.

Habang tumatagal, naaapektuhan naman ang absorption ng tubig at pagkain sa bituka. Doon na sumusunod ang malabnaw na dumi o diarrhea.

Kaya kadalasan: vomiting muna, diarrhea later. Pero hindi ito palaging ganito—depende pa rin sa virus o bacteria na sanhi.

FYI: Maraming kaso ngayon so doble ingat para sa ating mga tsikiting!

DocHugot

Please take note of some changes to my clinic schedule this week as I make time for two advocacies close to my heart: im...
09/08/2026

Please take note of some changes to my clinic schedule this week as I make time for two advocacies close to my heart: immunization and breastfeeding. Thank you for your kind consideration and understanding. 💙

Yaya Power!!!
08/08/2026

Yaya Power!!!

This afternoon, I encountered a rather unusual kind of yaya—unusual in the best possible way. 🙂

After interviewing the patient, explaining the diagnosis, and giving my instructions, I asked—as I always do—“May questions or clarifications po ba?”

To my surprise, si Yaya mismo ang nagtanong:

“Doc, gaano po kadalas at gaano karami ang expressed breastmilk na dapat ibigay kay baby?”

Simple question. But I found myself smiling.

Because it was actually a very relevant question, especially since the baby was experiencing gastroesophageal reflux. It showed that she wasn’t just there to carry the baby, prepare the bottle, or follow whatever instructions were handed to her. She wanted to understand how to care for the child properly.

Sana ganito lahat, no?
Yung mapapa-wow ka—not because they know everything, but because they care enough to ask. Alam nila ang trabaho nila, willing silang matuto, at naiintindihan nila na sa pag-aalaga ng isang bata, may shared responsibility sila with the parents.

Parents will not always be around. And when they entrust their child to someone else, napakalaking bagay na ang kasama ng bata ay hindi lang nagbabantay—kundi tunay na nag-aalaga. ❤️

Salute to the yayas who ask, listen, learn, and genuinely care. Hindi lang kayo “kasambahay.” Katuwang kayo sa pagpapalaki at pagprotekta sa mga bata. 🙂

“Doc, sorry. No choice ako. Wala talaga akong gatas…”Ito marahil ang isa sa pinakakaraniwang linyang naririnig ko during...
06/08/2026

“Doc, sorry. No choice ako. Wala talaga akong gatas…”

Ito marahil ang isa sa pinakakaraniwang linyang naririnig ko during newborn follow-up.

Ang tanong… talaga bang walang gatas?

Walang nanay na walang kakayahang mag-produce ng sapat na gatas para sa kanilang sanggol - unless meron kang Sheehan Syndrome, endocrine disorder, etc.

Ang breastmilk ay hindi po kasi “iniimbak” sa dibdib. Ginagawa ito kapag may demand. Mas madalas magbreastfeed, mas maraming stimulation, mas maraming gatas.

Kaya medyo mapapailing na lang with matching kunot ng noo na lang ako ang conclusion agad ay, “Wala akong gatas” kapag ang baby ay umiyak lang ng ilang minuto. Parang isang araw ka pa lang nag-gym, tapos sasabihin mo, “Wala talaga akong muscles.” 😅

Ang totoo, maraming nanay ang sumusuko bago pa man mabigyan ng sapat na pagkakataon ang katawan nilang gawin ang trabaho nito.

Oo, mahirap ang breastfeeding.
Masakit minsan.
Nakakapuyat.
Nakakaiyak.
At oo, may mga pagkakataong kailangan talagang mag-supplement. Walang dapat ikahiya kung medically indicated.

Pero bago magclaim na “wala akong gatas,” tanungin muna natin:

✔️ Tama ba ang latch?
✔️ Madalas ba ang pagpapadede?
✔️ Bote ba agad ang unang solusyon sa bawat iyak?
✔️ Nakapagpatulong na ba tayo sa pediatrician, OB, o breastfeeding counselor?

Alam n’yo ba na kahit mga lola ay naipapabalik pa ang gatas sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na breast stimulation (relactation)? Paano pa kaya ang isang nanay na bagong panganak, nasa reproductive age, at nasa kasagsagan ng hormones na ginawa mismo ng katawan para sa breastfeeding?

At kung kailangan ng tulong, meron na rin tayong mga paraan para suportahan ang milk production, kabilang ang tamang breastfeeding techniques, counseling, at sa piling sitwasyon, mga gamot na maaaring ireseta ng inyong doktor.

Sa Breastfeeding Week na ito, ang hiling ko lang ay isang bagay:
Huwag agad susuko sa unang iyak.
Minsan, ang kailangan ni baby ay hindi bote.
Kundi kaunting tiyaga, kaunting tiwala… at kaunting panahon para makasabay ang katawan ni mommy.

Kung gusto nating bumuo ng mas malusog, mas matatag, at mas matalinong next generation ng Pinoy, simulan natin sa pinakamagandang unang regalo na kaya nating ibigay—

Breastmilk. ❤️

Libreng Measles-Rubella Vaccine para sa 6-59 months old 🥰❤️See you!
06/08/2026

Libreng Measles-Rubella Vaccine para sa 6-59 months old 🥰❤️

See you!

Maraming naniniwala na may “asthma diet” o may mga bawal na kainin kapag may asthma, lalo na kung may acute exacerbation...
05/08/2026

Maraming naniniwala na may “asthma diet” o may mga bawal na kainin kapag may asthma, lalo na kung may acute exacerbation. Ano ba ang talaga ang totoo?

SIMPLEHAN NATIN: Walang universally bawal na pagkain sa asthma.

Bagama’t parehong bahagi ng atopic diseases ang asthma at food allergy - kasama ang allergic rhinitis at eczema - magkaibang kondisyon pa rin sila.

Ang food allergy ay nagdudulot ng pantal (urticaria), pamamaga ng labi o mukha, pagsusuka, o anaphylaxis (matinding allergic reaction). Sa kabilang banda, ang asthma ay chronic inflammation naman ng daluyan ng hangin.

Kaya doon sa mga nagsasabing bawal sa asthma ang malagkit, makakati, itlog, manok, etc. Naku po! Maawa kayo sa bata. May co-morbid na nga idedeprive niyo pa ng mga pagkain kahit hindi dapat… 😅

DocHugot

Habang mas dumarami ang mga naghihiwalay na mag-asawa at mga kasong annulment sa bansa, hindi ko maiwasang isipin kung s...
05/08/2026

Habang mas dumarami ang mga naghihiwalay na mag-asawa at mga kasong annulment sa bansa, hindi ko maiwasang isipin kung sino talaga ang pinakatahimik na nasasaktan.

Hindi ang nanay. Hindi ang tatay.

YUNG MGA ANAK.

Sa likod ng bawat broken marriage, may batang tahimik na nagtatanong kung kasalanan ba niya. May batang unti-unting nawawalan ng sense of security. May batang napipilitang lumaki nang mas maaga kaysa sa dapat.

Hindi lahat ng sugat nakikita. Minsan, ang pinakamalalim na sugat ay nasa isip at puso ng isang nila.

Ayon sa datos ng Supreme Court, libu-libong petitions for declaration of nullity at annulment of marriage ang nananatiling pending sa ating mga korte, patunay na hindi na ito iilang kaso lamang.

Anuman ang maging direksyon ng ating mga batas tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawa, sana kasabay nitong maisulong ang mas matibay na proteksyon para sa mga anak. Hindi lang tungkol sa financial support, kundi pati regular mental health assessment, emotional support, counseling, at interventions na makakatulong sa kanilang makabangon.

Because adults make decisions.

But children live with the consequences.

At sa lahat ng boses sa usaping ito, sana ang boses ng mga bata ang mas marinig.

Address

Room 302 Asia Pacific Medical Center/Aklan Judge Martelino Street, Brgy Andagao
Kalibo
5600

Telephone

+639338144055

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Nikoy's Online Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share