25/08/2026
๐ข ๐ข ๐ข HULING TATLONG ARAW NA LANG PO BAGO MAGTAPOS ANG ATING MEASLES RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY (MRSIA) CAMPAIGN! ๐๐
Tara na humabol na po tayo para sa pagpapabakuna sa MRSIA ๐ข ๐ข ๐ข
As of August 24, 2026 mayroon na pong 2,245 na mga bata na ang naabot ng ating pagbabakunaโpatunay ng sama-samang pakikiisa ng ating mga magulang, caregivers, Barangay Health Workers (BHWs), at health personnel upang maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas.
๐ Sa kasalukuyan mayroon na po tayong 54 mula sa 56 na barangay na kasalukuyang tapos nang mag-MRSIA. Nagtala ang 3 barangay nang 100% vaccination coverage at 11 barangay na mayroong 80% higit pang vaccination coverage!
Ngayong huling tatlong araw ng linggong ito patuloy pa rin po ang MRSIA mop-up activities sa lahat ng mga barangays upang mahabol pa ang mga hindi nababakunahan, Kayaโt halina na humabol na at pabakunahan na ang inyong mga anak! ๐ข ๐ข
Ito po ay napakahalaga at isang napakalaking hakbang tungo sa mas ligtas at mas protektadong komunidad.
๐ฉโ๐ง Kaya Nanay, Tatay, Lola, Lolo, at mga caregivers:
Kung hindi pa nababakunahan ang inyong anak sa ilalim ng MRSIA, makipag-ugnayan agad sa inyong BHWs, Barangay Health Station at Centers o sa RHU Laoang upang malaman ang tamang impormasyon tungkol sa bakuna.
๐ Bawat batang nababakunahan ay dagdag na proteksyonโhindi lamang para sa kanya, kundi para rin sa kanyang pamilya at sa buong komunidad.
๐ข Makiisa rin tayo sa paglaban sa disinformation at maling impormasyon tungkol sa MRSIA campaign na kumakalat sa social media. Huwag basta maniwala o magbahagi ng impormasyong hindi beripikado. Para sa tamang kaalaman tungkol sa bakuna kontra tigdas, magtanong sa ating mga health worker at iba pang pinagkakatiwalaang healthcare professionals.
๐ฏ Sama-sama nating abutin ang 100%!
Protektado ang bawat bata, ligtas ang bawat pamilya, malusog ang bayan!
Bakunado, Protektado, Sa Laoang Kasama Tayo! ๐๐
-Laoang
,ProtektadosaLaoangKasamaTayo!