City Health Office - Las Piñas

City Health Office - Las Piñas Official Page of Las Piñas City Health Office (LPCHO)

12/08/2026
TB ENDS HERE: KAYANG MAPIGILAN ANG TB BAGO PA ITO LUMALAAng Tuberculosis o TB ay kayang mapigilan sa pamamagitan ng infe...
12/08/2026

TB ENDS HERE: KAYANG MAPIGILAN ANG TB BAGO PA ITO LUMALA

Ang Tuberculosis o TB ay kayang mapigilan sa pamamagitan ng infection control, BCG vaccination sa mga sanggol, at Tuberculosis Preventive Treatment o TPT para sa mga close-contacts at high-risk population!

Ang mga ito ay madaling gawin, epektibo at ligtas! Kumonsulta sa pinakamalapit na TB-DOTS para sa libreng testing, gamut, at TPT: bit.ly/TBDOTSFacilities




BUKAS NA!!!Mga taga-Barangay Talon Singko!  Huwag palampasin ang Health and Wellness Caravan at samantalahin ang LIBRENG...
11/08/2026

BUKAS NA!!!

Mga taga-Barangay Talon Singko! Huwag palampasin ang Health and Wellness Caravan at samantalahin ang LIBRENG medical consultation, dental services, gamot, vitamins at iba pang mga laboratory services. 🩺

Hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas, sa pangunguna ni Mayor April Aguilar, katuwang ang Las Piñas City Health Office, mas inilalapit sa komunidad ang mga programang pangkalusugan para sa mabilis at abot-kayang serbisyo sa mamamayan. 💚

📍 Agro 1 Covered Court, Barangay Talon Singko
📅 August 12, 2026
🕗 8AM - 12NN

HEALTH AND WELLNESS CARAVAN SA TALON SINGKO!

Inaanyayahan ang lahat sa Health and Wellness Caravan sa Agro 1 Covered Court, Brgy. Talon Singko sa Agosto 12, 2026, 8:00 AM–12:00 NN.

Hatid ito ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas sa pangunguna nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Mel Aguilar para sa mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

Para sa karagdagang impormasyon i-like at i-follow ang aming mga page:
Facebook: https://www.facebook.com/LPCityhealth
TikTok:
Instagram:

PAALALA SA PUBLIKO: LUMUSONG SA BAHA? MAGPAKONSULTA AGAD!Kung ikaw ay lumusong o nalublob sa baha, huwag balewalain ang ...
10/08/2026

PAALALA SA PUBLIKO: LUMUSONG SA BAHA? MAGPAKONSULTA AGAD!

Kung ikaw ay lumusong o nalublob sa baha, huwag balewalain ang posibleng panganib sa iyong kalusugan. Maaaring magkaroon ng exposure sa mga bacteria na maaaring magdulot ng leptospirosis, lalo na kung may sugat o matagal na nababad sa maruming tubig.

👉 Magpunta agad sa pinakamalapit na Health Center para sa tamang assessment at gabay kung kinakailangan ng doxycycline o iba pang angkop na pangangalaga.

💊 Huwag basta uminom ng gamot nang walang payo ng doktor o health worker. Ang tamang gamot, dose, at tagal ng pag-inom ay depende sa iyong exposure at kondisyon.

✅ Mas ligtas ang maagap na pagkonsulta. Kapag may lagnat, pananakit ng katawan, pamumula ng mata, pagsusuka, o iba pang sintomas pagkatapos lumusong sa baha, magpatingin agad!

Para sa karagdagang impormasyon at updates, i-follow ang aming official social media pages:
Facebook: City Health Office - Las Piñas
Tiktok:
Instagram:

Stay informed. Stay safe, Las Piñeros!

SA GITNA NG MASAMANG PANAHON, LAS PIÑAS PATULOY SA PAGKILOS PARA SA KALIGTASAN NG BAWAT LAS PIÑEROSa patuloy na pag-ulan...
09/08/2026

SA GITNA NG MASAMANG PANAHON, LAS PIÑAS PATULOY SA PAGKILOS PARA SA KALIGTASAN NG BAWAT LAS PIÑERO

Sa patuloy na pag-ulan at masamang panahon, nananatiling pangunahing prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas, sa pangunguna nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Imelda Aguilar, ang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng bawat Las Piñero.

Agad na naihatid ang kinakailangang tulong at suporta sa mga evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa iba't ibang evacuation centers sa lungsod, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Lungsod sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng masamang panahon.

Samantala, nagsagawa rin ang Health Emergency Management Staff (HEMS) ng Las Piñas City Health Office ng on-site dispensing ng Doxycycline para sa mga evacuees at mga residenteng nalubog o lumusong sa baha, bilang bahagi ng maagap na pagtugon upang maprotektahan ang kalusugan ng ating komunidad.

Sa kabila ng hamon ng panahon, patuloy ang mabilis, maagap, at sama-samang pagtugon ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas upang matiyak na ang bawat Las Piñero ay ligtas, maalagaan, at hindi maiiwan sa panahon ng pangangailangan.

Iwasan ang Leptospirosis!
08/08/2026

Iwasan ang Leptospirosis!

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI SA LEPTOSPIROSIS NGAYONG TAG-ULAN

Detalye sa comment section.





08/08/2026

DOH: MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS, IWASAN ANG PAG LUSONG SA BAHA!

Dahil sa patuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha dulot ng Bagyong Maymay at ng Habagat, paalala ng DOH sa publiko na mag-ingat sa Leptospirosis.

Ang Leptospirosis ay isang impeksyon mula sa bakteryang Leptospira na madalas nanggagaling sa ihi ng mga may sakit na hayop (lalo na ang daga) na humahalo sa tubig-baha o putik. Maaari itong pumasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat o sa mata, ilong, at bibig.

Sundin ang paalala na nasa social media card na ito upang maiwasan ang sakit na Leptospirosis. Tandaan, kung ikaw ay lumusong sa baha, komunsulta sa doktor para sa tamang reseta ng gamot.

Mag-ingat at manatiling ligtas ngayong panahon ng tag-ulan.





Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Lung Month, handog ng Las Piñas City Health Office, sa ilalim ng pamumuno ni...
08/08/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Lung Month, handog ng Las Piñas City Health Office, sa ilalim ng pamumuno nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Imelda Aguilar, ang LIBRENG serbisyong pangkalusugan para sa ating komunidad!

📅 August 18, 2026 (Tuesday)
🕗 8:00 AM – 12:00 NN
📍 T.S. Cruz Covered Court, Brgy. Almanza Dos

Anu-ano ang mga LIBRENG serbisyo na pwede ninyong ma-avail?
✔ TB 101 Health Awareness Lecture
✔ Chest X-ray Screening (Active Case Finding)

Sama-sama tayong kumilos laban sa Tuberculosis!
Sa maagang pagpapasuri, kayang-kaya nating wakasan ang TB sa ating lungsod!

YES, WE CAN END TB!
Led by Countries. Powered by People.

🌿 Pakiramdam mo ba ubos ka na?May mga araw talagang mabigat ang lahat. Pahintulutan mong huminto sandali. Huminga. Magpa...
07/08/2026

🌿 Pakiramdam mo ba ubos ka na?

May mga araw talagang mabigat ang lahat. Pahintulutan mong huminto sandali. Huminga. Magpahinga. Hindi mo kailangang maubos bago piliing alagaan ang iyong sarili. 🤍

Magpahinga nang walang guilt. Babalik ka rin, mas may lakas at mas handang harapin ang panibagong araw. 🫂

🌧️ 𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃!Sa mga coastal areas, maaaring mabilis tumaas ang tubig kapag malakas ang ulan. Narito an...
06/08/2026

🌧️ 𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃!

Sa mga coastal areas, maaaring mabilis tumaas ang tubig kapag malakas ang ulan. Narito ang ilang paalala upang mapanatiling ligtas ang sarili at pamilya:

🌊 Lumikas nang maaga kung may banta ng baha, lalo na kung nakatira malapit sa ilog, dagat, o iba pang mabababang lugar.

🚫 Huwag tumawid o magmaneho sa rumaragasang baha. Hindi madaling tantiyahin ang lalim at lakas ng agos.

🍺 Iwasan ang pag-inom at pagbebenta ng alak kapag may banta ng bagyo at baha upang maiwasan ang mga aksidente at panganib.

👧 Huwag hayaang maglaro ang mga bata sa baha, kanal, sapa, o ilog.

⚠️ Mag-ingat sa mga butas, lubak, at iba pang panganib sa kalsada. Iwasan din ang paglapit sa rumaragasang tubig at mga gilid ng ilog o sapa.

🛟 Kung kinakailangang lumusong sa baha, gumamit ng angkop na flotation device at huwag pumunta nang mag isa.

‼️𝗪𝗔𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗨𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔. 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗠𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔‼️

🆘 Kung may nakikitang taong nalulunod o nangangailangan ng agarang tulong, tumawag sa 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗛𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲 𝟵𝟭𝟭 o sa inyong 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗘𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗛𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲. Kung ligtas para sa iyo na tumulong, sundin ang gabay ng emergency responders habang hinihintay ang tulong.

𝙈𝙖𝙣𝙖𝙩𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙡𝙚𝙧𝙩𝙤. 𝙈𝙖𝙣𝙖𝙩𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨.



Address

Real Street
Las Piñas
1740

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639776726211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health Office - Las Piñas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share