13/05/2025
KRISTIYANO KA BA? MAHALAGANG MALAMAN MO ITO TUNGKOL SA SOGIE BILL
Ang SOGIE Bill ay may layuning magbigay ng pantay-pantay na karapatan sa lahat, at walang masama doon. Pero bilang mga Kristiyano, may mga ilang bagay na dapat nating pag-isipan, lalo na pagdating sa ating pananampalataya at kung paano ito makakaapekto sa ating simbahan, pamilya, at mga anak.
Narito ang 12 posibleng epekto ng SOGIE Bill na maaari nating harapin bilang mga Kristiyano:
1. Pagtuturo tungkol sa homos*xuality
Kung mag-preach tayo or testify at sabihing ayon sa Biblia, ang same-s*x relationships ay kasalanan, ito ay maaaring ituring na “discriminatory.” Maaaring maging issue ito ng hate speech, kahit na ito ay pagbabahagi ng turo mula sa Biblia.
2. Kumuha ng LGBTQ+ sa leadership positions
Kung tumanggi ang simbahan o school na kumuha ng LGBTQ+ bilang lider, maaaring ma-accuse ito ng diskriminasyon, kahit na ito ay batay sa mga Christian beliefs.
3. Pagbigay ng counseling o prayer sa gustong magbago
Kapag ang isang LGBTQ+ ay humiling ng tulong o counseling mula sa simbahan, at tinulungan siya, maaaring ituring itong “conversion therapy” na may mga legal na consequences.
4. Pagtanggi sa serbisyo sa LGBTQ+ weddings
Kung may negosyo ka, tulad ng photo/video services, at tumanggi kang mag-serve sa isang LGBTQ+ wedding, maaari kang kasuhan ng diskriminasyon.
5. CR use ng transgender
Kung may transgender na magpapasok sa CR ng opposite s*x, at tinanggihan mo sila, maaaring ireklamo ka. Ayon sa bill, hindi na ito maaring itanggi sa mga public spaces o businesses.
6. Ang pagpapaliwanag ng kasal
Kung itinuro ng church na ang kasal ay para lamang sa lalaki at babae, baka ito ay ituring na hindi inclusive o biased. Maaaring magkaroon ito ng legal na isyu.
7. Baka mawala ang freedom of religion
Sa mga sitwasyon kung saan magka-kontra ang paniniwala ng faith at ng mga karapatan ng LGBTQ+, maaaring ang SOGIE rights ang mas pangalagaan kaysa sa ating freedom of religion.
8. Parusa: multa at pagkakakulong
May mga penalties tulad ng multa at pagkakakulong para sa mga lumabag, lalo na kung mapapatunayan na tayo ay nagkaroon ng diskriminasyon batay sa SOGIE.
9. Preaching ng pastor bilang ebidensya
Ang sermon o pagtuturo ng pastor ay pwedeng gamitin bilang ebidensya laban sa kanya, kung ito ay ituring na offensive o hindi pantay sa LGBTQ+ community.
10. Social media posts
Kapag nag-post tayo ng Bible-based opinion na nagsasabi ng ating paniniwala tungkol sa kasal, maaaring i-flag ito at alisin dahil sa mga alituntunin sa SOGIE Bill, kung ituring ito bilang hate speech.
11. Pagpapalaki ng mga bata
Kung ipagpatuloy ng mga magulang ang pagtuturo sa mga bata tungkol sa tradisyunal na kasal (lalaki at babae), maaaring ituring itong “discriminatory” at maaari silang pagsabihan o aksyunan. Halimbawa, ang mga paaralan at mga public institutions ay posibleng piliting ituro ang LGBTQ+ rights sa mga kabataan, na hindi ayon sa pananaw ng mga magulang.
12. Proteksyon ng pamilya at moral values
Ang mga magulang na nagnanais na magturo sa kanilang mga anak ng mga Christian values tungkol sa kasal, pag-aasawa, at gender roles ay maaaring makaharap ng legal na hadlang kung ito ay ituring na “violating” ang SOGIE rights ng iba.
Hindi ito para maghasik ng takot, kundi para maging aware tayo.
Gusto natin na ipagpatuloy ang buhay na naaayon sa turo ng Biblia at magpatuloy sa pagpapakita ng pagmamahal at pagpapatawad sa lahat. Pero kasabay ng pagmamahal, kailangan din nating tumindig sa katotohanan.
Magsimula tayo sa panalangin para sa ating bansa at mga mambabatas.
Let’s come against this bill kauna-unahan ay sa prayer!