15/10/2026
📦MUÑOZ-BOUND NA NAMAN ANG ATING KA-LABS IT CHIPS!
May bago na naman tayong ipapadalang Ka-Labs It Chips – Kalabasa Chips Original sa Science City of Muñoz! 🚚
Maraming-maraming salamat sa ating repeat business partner sa patuloy na pagtitiwala at pagsuporta sa ating produkto.
Nakakatuwang makita na hindi lang basta natitikman ang ating kalabasa chips, kundi nagiging bahagi na rin ito ng negosyo at merienda ng ating mga suki. Bawat repeat order ay dagdag-inspirasyon para mas pagbutihin pa namin ang ating produkto at patuloy na maipakilala ang sarap na gawa sa Laur, Nueva Ecija!
From one order to another, thank you for growing with us!
Ikaw, Ka-Labs, ready ka na bang matikman ang ating crunchy kalabasa chips? 😋
📩 Message us for orders and reseller inquiries!
Ka-Labs It Chips — Share your chips with your Kalab ones!