14/11/2025
Matapang na naglabas ng pahayag si Zaldy Co ng Bicol Partylist sa isang video na ipinost niya sa Facebook upang ilahad ang kanyang panig tungkol sa umano’y iregularidad sa flood control projects.
Ayon kay Co, kaya raw siya nanahimik nang matagal ay dahil may mahigpit na utos umano sa kanya na huwag nang bumalik sa Pilipinas at manahimik na lamang.
Sa kanyang pahayag, idiniin pa niya na ang mga kontrobersyal na budget insertions ay hindi galing sa kanya, kundi ayon sa kanya ay direkta mismong iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
⚠️ Patuloy na umiinit ang isyu. Sino nga ba ang dapat managot?