Luminara

Luminara Lumikha ng liwanag, maghatid ng pagbabago

Sa nakaambang panganib, panatilihin nating ligtas ang ating sarili at mga tao sa ating paligid. Sa mga lugar na maaaring...
13/05/2026

Sa nakaambang panganib, panatilihin nating ligtas ang ating sarili at mga tao sa ating paligid.
Sa mga lugar na maaaring makaranas ng ashfall, narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan para manatiling ligtas!

ASHFALL HEALTH ADVISORY: Dahil sa kasalukuyang aktibidad ng Bulkang Mayon, maaaring makaranas ng ashfall sa ilang lugar.

Ang abo mula sa bulkan ay maaaring makaapekto sa kalusugan at magdulot ng panganib, lalo na sa paghinga, paningin, at kaligtasan sa kalsada.

Mga maaring idulot ng Ashfall:
•Iritasyon sa ilong, lalamunan, at mata
•Pag-ubo at hirap sa paghinga
•Pangangati at sakit sa balat
•Aksidente sa kalsada dahil sa madulas na daan at mahinang visibility
•Posibleng pinsala dulot ng pagguho ng bubong dahil sa bigat ng naipong abo

Mga dapat gawin kapag may ashfall:
•Iwasan hangga't maaari ang paglabas at exposure sa abo
•Manatili sa loob ng bahay at isara ang mga pinto at bintana upang mapigilan ang pagpasok ng abo gamit ang basang kurtina o tela
•Gumamit ng face mask at goggles kapag kinakailangang lumabas
•Basain muna ang abo bago
walisin upang hindi ito lumipad
•Linisin ang bubong at paligid upang maiwasan ang aksidente
•Sundin ang mga abiso sa trapiko at kaligtasan sa kalsada

Stay safe, mga sinag!
13/05/2026

Stay safe, mga sinag!

Anim na barangay sa hilagang bahagi ng Legazpi City ang nakaranas ng ashfall matapos ang naganap na lava-collapse Pyroclastic Density Current (PDC) kaninang alas-11:22 ng umaga, Mayo 13, 2026.

Ayon sa report na natanggap ng Legazpi City Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa mga nakaranas ng light ashfall ang Brgy. Matanag, Buyoan (Iraya area), Mabinit, Bigaa, Bogtong at
Pawa.

Dahil dito, pinapaalalahanan ang mga residente sa mga apektadong lugar na magsuot ng face mask o takpan ang ilong at bibig gamit ang malinis na tela upang maiwasan ang paglanghap ng abo.

Pinapayuhan din ang publiko na iwasan muna ang pananatili sa labas kung hindi kinakailangan at tiyaking nakasara ang mga bintana at pinto ng bahay upang hindi makapasok ang abo.

Patuloy namang hinihikayat ang lahat na makinig at sumunod sa mga abiso at updates mula sa mga kinauukulang ahensya at lokal na pamahalaan.

//AMustaza • Tune in to DZGB-AM for more updates.

Address

Legazpi
4500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Luminara posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share