08/07/2026
💉 LIBRENG Bakuna Alert Laban sa Tigdas at Tigdas-Hangin!
Magandang balita para sa mga magulang at tagapag-alaga! Magsasagawa ang Rural Health Unit (RHU) ng Lian ng Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) mula August 10 hanggang 28, 2026.
Inaanyayahan ang lahat ng may mga batang edad 6 hanggang 59 buwan (wala pang limang taong gulang) na ihanda at dalhin sila sa mga itatalagang vaccination sites upang makatanggap ng LIBRENG bakuna laban sa tigdas at tigdas-hangin (rubella).
Ang pagbabakuna ay ligtas, epektibo, at mahalagang proteksyon laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon sa mga bata.
Panoorin ang video para sa mahahalagang impormasyon tungkol sa programa. Iaanunsyo rin sa mga susunod na araw ang schedule at mga lugar ng pagbabakuna sa bawat barangay.
Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan sa Rural Health Unit (RHU) Lian sa (0917) 104-4521.
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat batang Lianeño. Magpabakuna, para sa ligtas at malusog na kinabukasan.