16/10/2026
ANG MALINIS NA KAMAY ANG UNANG DEPENSA SA MGA NAKAKAHAWANG SAKIT!
Araw-araw, maraming bagay ang ating nahahawakan na maaaring may germs—mula sa doorknob, cellphone, mesa, hanggang sa mga bagay na ginagamit ng iba. Kapag hindi naghugas ng kamay, maaari nating madala ang mga germs sa mata, ilong, bibig, pagkain, at maging sa ibang tao.
Kaya gawing habit ang wastong paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig nang hindi bababa sa 20 segundo. Isang simpleng gawain, pero malaking hakbang para maputol ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit at maprotektahan ang buong pamilya.