18/08/2026
Mahalagang Paalala | Agosto 19, 2026
Dahil po sa masamang panahon at upang higit na masiguro ang kaligtasan ng ating mga pasyente at staff, pansamantala pong sarado ang Limay Physical Therapy Center ngayong araw, Agosto 19, 2026.
Para po sa mga pasyenteng may nakatakdang appointment ngayong araw, amin po kayong makokontak para sa panibagong schedule. Mangyaring hintayin lamang po ang aming text message para sa inyong susunod na schedule.
Para naman po sa inyong mga katanungan, kabilang na ang pagpapaschedule ng check-up at therapy sessions, bukas po ang aming page upang kayo ay aming matulungan.
Higit sa lahat, nais po naming ipaalala na ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing prayoridad. Mag-ingat po tayong lahat, manatili sa ligtas na lugar, at hangga’t maaari ay iwasang bumiyahe kung hindi kinakailangan.