PMS West Central Pangasinan Chapter

PMS West Central Pangasinan Chapter group of medical doctors from west central pangasinan

Alay Kapwa para sa Kalusugan (Health and Nutrition)“Magmalasakit, Magbahagi, Mag-Alay Kapwa”Matagumpay na naisagawa ang ...
10/05/2026

Alay Kapwa para sa Kalusugan (Health and Nutrition)
“Magmalasakit, Magbahagi, Mag-Alay Kapwa”

Matagumpay na naisagawa ang programang Alay Kapwa para sa Kalusugan (Health and Nutrition) sa pangunguna ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan, Caritas Lingayen-Dagupan, Alay Kapwa Mission I Care, at Pangasinan Medical Society - West Central Chapter, Region 1 Medical Center bilang bahagi ng kanilang patuloy na misyon ng paglilingkod at pagmamalasakit sa kapwa ngayong araw ng Mayo 10, 2026 bilang selenrasyon na rin sa araw ng mga Nanay.

Layunin ng nasabing aktibidad na makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan at nutrisyon sa mga mamamayang nangangailangan, lalo na sa mga kabataan, senior citizens, at mga pamilyang kapos sa serbisyong medikal. Sa pamamagitan ng programang ito, naipakita ang diwa ng pagbabahagi, pagkakaisa, at malasakit sa komunidad.

Kabilang sa mga isinagawang serbisyo ang libreng medical consultation, check-up, blood pressure monitoring, pamamahagi ng bitamina at gamot, at Blood letting .Naging matagumpay ang programa sa tulong ng mga volunteer doctors, nurses, health workers, at iba pang katuwang na organisasyon na naglaan ng oras at serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan.

Lubos namang nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa mga organisasyong nagsulong ng programa dahil sa kanilang walang sawang pagtulong at pagbibigay ng pag-asa sa komunidad. Ang aktibidad ay naging daan upang higit pang mapalakas ang kamalayan ng mamamayan tungkol sa kahalagahan ng kalusugan.

Isinagawa ang programang Libreng Operation Tuli 2026 para sa mga Kabataan bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng pamaha...
10/05/2026

Isinagawa ang programang Libreng Operation Tuli 2026 para sa mga Kabataan bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng pamahalaang lokal sa ilalim ng liderato ni Mayor Pedro A. Merrera III na makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan, lalo na sa mga kabataang nangangailangan ng libreng serbisyong medikal.

Ginanap ang nasabing aktibidad ng Mayo 8, 2026 sa Binmaley Evacuation Center sa pakikipagtulungan ng mga doktor, nars, barangay officials, volunteers, at iba’t ibang health workers sa RHU Binmaley, Pangasinan Medical Society, International College of Surgeons- Pangasinan Chapter, Operating Room Nurses Association of the Philippines. Layunin ng programa na mabigyan ng ligtas, maayos, at libreng operasyon tuli ang mga kabataang lalaki bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan at mabuting kalusugan.

Naging maayos at matagumpay ang buong aktibidad dahil sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng komunidad. Maraming kabataan ang nakinabang sa programa at nabigyan din sila ng libreng gamot. Ang programang ito ay patunay sa dedikasyon ng administrasyon sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan at kapakanan ng kabataan sa komunidad.

09/05/2026
April 06,2026Matagumpay na naisagawa ang “Munting Regalo , Malaking ngiti” isang gift giving activity para sa mga kabata...
06/04/2026

April 06,2026

Matagumpay na naisagawa ang “Munting Regalo , Malaking ngiti” isang gift giving activity para sa mga kabataan ng Caring for the future Foundation.
Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng mga boluntaryo at tagapag-organisa ng Pangasinan Medical Society Western Pangasinan kasama ang mga miyembro ng Villa Maniboc HOA Inc. na may iisang layunin—ang maghatid ng saya at pag-asa sa mga kabataan.

Hindi lamang ito nagbigay ng materyal na bagay kundi naghatid din ng inspirasyon at saya sa puso ng mga bata. Ang simpleng gawaing ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan at malasakit, maari nating mapasaya ang ating kapwa.

Kalinga sa Mamamayan: Libreng Gamutan para sa Kalusugan (Medical Mission)Alay Kalusugan sa Barangay Pototan, Binmaley, P...
06/04/2026

Kalinga sa Mamamayan: Libreng Gamutan para sa Kalusugan (Medical Mission)
Alay Kalusugan sa Barangay Pototan, Binmaley, Pangasinan

Isinagawa noong ika-27 ng Marso 2026 ang programang Kalinga sa Mamamayan: Libreng Gamutan para sa Kalusugan sa Barangay Pototan, Binmaley, Pangasinan sa pangunguna nina Councilor Doctor Jose Carrera at Dr. Rose Ann Padlan-Ferrer. Layunin ng gawaing ito na makapagbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga mamamayan, lalo na sa mga nangangailangan at may limitadong kakayahang pinansyal upang matugunan ang kanilang pangangailangang pangkalusugan.

Ang nasabing medical mission ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mga boluntaryong doktor, nars, at iba pang healthcare workers na naglaan ng kanilang oras at kaalaman upang makapaglingkod sa komunidad.

Sa kabuuan, ang Alay Kalusugan sa Barangay Pototan ay naging isang makabuluhang hakbang tungo sa mas malusog at mas maayos na pamumuhay ng mga residente. Inaasahan na mas marami pang ganitong uri ng programa ang maisasagawa sa hinaharap upang patuloy na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Pangasinense.

🌱 ONE TREE TODAY, A BETTER WORLD TOMORROW 🌍This March 23, 2026, let’s grow something that truly matters. 💚Join us in a m...
22/03/2026

🌱 ONE TREE TODAY, A BETTER WORLD TOMORROW 🌍

This March 23, 2026, let’s grow something that truly matters. 💚

Join us in a meaningful tree planting activity and be part of a greener, healthier future for our community. Whether it’s in your backyard, barangay, or any open space—every tree counts. 🌳

📸 How to join?
1. Plant a tree 🌱
2. Take photos during your activity 📷
3. Send your photos to your Chapter GC
4. Our Secretary will compile all submissions

✨ Earn 2 PMS Points while making a real impact!

Let’s come together—not just as healthcare professionals, but as stewards of the environment. Because caring for people also means caring for the planet. 🌏💚

Date: March 22,2026Place: Brgy. Maniboc Covered Court, Lingayen Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan, ang lahat ay ...
22/03/2026

Date: March 22,2026
Place: Brgy. Maniboc Covered Court, Lingayen
Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan, ang lahat ay nagkaisa sa ating mga makabuluhang gawain gaya ng:
1. Free Medical Consultation with our doctors from PMS-WCC Pangasinan
2. Blood letting activity with Philippine Red Cross San Carlos City Chapter Pangasinan
3. Health lecture sa stroke by Dr Peter Johan De Leon
4. Libreng palugaw from Guicusina
5. Awarding of Certificates para sa mga Huwarang Juana ng Villa Maniboc Phase 2 at mga BHW ng Brgy. Maniboc with our Brgy. Chairman Hon. Ramil Palisoc

Sama-sama nating ipagdiwang ang lakas, malasakit, at kahalagahan ng kababaihan sa ating lipunan sa pamamagitan ng serbisyong pangkalusugan at edukasyon.

Address

Lingayen

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PMS West Central Pangasinan Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share