PMS West Central Pangasinan Chapter

PMS West Central Pangasinan Chapter group of medical doctors from west central pangasinan

PMS centennial jacket… order now💜🙏
05/08/2026

PMS centennial jacket… order now💜🙏

Congratulations West Central Chapter!!!!🙏
18/07/2026

Congratulations West Central Chapter!!!!🙏

11/07/2026
Alay Kapwa para sa Kalusugan (Health and Nutrition)“Magmalasakit, Magbahagi, Mag-Alay Kapwa”Matagumpay na naisagawa ang ...
10/05/2026

Alay Kapwa para sa Kalusugan (Health and Nutrition)
“Magmalasakit, Magbahagi, Mag-Alay Kapwa”

Matagumpay na naisagawa ang programang Alay Kapwa para sa Kalusugan (Health and Nutrition) sa pangunguna ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan, Caritas Lingayen-Dagupan, Alay Kapwa Mission I Care, at Pangasinan Medical Society - West Central Chapter, Region 1 Medical Center bilang bahagi ng kanilang patuloy na misyon ng paglilingkod at pagmamalasakit sa kapwa ngayong araw ng Mayo 10, 2026 bilang selenrasyon na rin sa araw ng mga Nanay.

Layunin ng nasabing aktibidad na makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan at nutrisyon sa mga mamamayang nangangailangan, lalo na sa mga kabataan, senior citizens, at mga pamilyang kapos sa serbisyong medikal. Sa pamamagitan ng programang ito, naipakita ang diwa ng pagbabahagi, pagkakaisa, at malasakit sa komunidad.

Kabilang sa mga isinagawang serbisyo ang libreng medical consultation, check-up, blood pressure monitoring, pamamahagi ng bitamina at gamot, at Blood letting .Naging matagumpay ang programa sa tulong ng mga volunteer doctors, nurses, health workers, at iba pang katuwang na organisasyon na naglaan ng oras at serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan.

Lubos namang nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa mga organisasyong nagsulong ng programa dahil sa kanilang walang sawang pagtulong at pagbibigay ng pag-asa sa komunidad. Ang aktibidad ay naging daan upang higit pang mapalakas ang kamalayan ng mamamayan tungkol sa kahalagahan ng kalusugan.

Isinagawa ang programang Libreng Operation Tuli 2026 para sa mga Kabataan bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng pamaha...
10/05/2026

Isinagawa ang programang Libreng Operation Tuli 2026 para sa mga Kabataan bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng pamahalaang lokal sa ilalim ng liderato ni Mayor Pedro A. Merrera III na makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan, lalo na sa mga kabataang nangangailangan ng libreng serbisyong medikal.

Ginanap ang nasabing aktibidad ng Mayo 8, 2026 sa Binmaley Evacuation Center sa pakikipagtulungan ng mga doktor, nars, barangay officials, volunteers, at iba’t ibang health workers sa RHU Binmaley, Pangasinan Medical Society, International College of Surgeons- Pangasinan Chapter, Operating Room Nurses Association of the Philippines. Layunin ng programa na mabigyan ng ligtas, maayos, at libreng operasyon tuli ang mga kabataang lalaki bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan at mabuting kalusugan.

Naging maayos at matagumpay ang buong aktibidad dahil sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng komunidad. Maraming kabataan ang nakinabang sa programa at nabigyan din sila ng libreng gamot. Ang programang ito ay patunay sa dedikasyon ng administrasyon sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan at kapakanan ng kabataan sa komunidad.

09/05/2026
April 06,2026Matagumpay na naisagawa ang “Munting Regalo , Malaking ngiti” isang gift giving activity para sa mga kabata...
06/04/2026

April 06,2026

Matagumpay na naisagawa ang “Munting Regalo , Malaking ngiti” isang gift giving activity para sa mga kabataan ng Caring for the future Foundation.
Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng mga boluntaryo at tagapag-organisa ng Pangasinan Medical Society Western Pangasinan kasama ang mga miyembro ng Villa Maniboc HOA Inc. na may iisang layunin—ang maghatid ng saya at pag-asa sa mga kabataan.

Hindi lamang ito nagbigay ng materyal na bagay kundi naghatid din ng inspirasyon at saya sa puso ng mga bata. Ang simpleng gawaing ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan at malasakit, maari nating mapasaya ang ating kapwa.

Address

Lingayen

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PMS West Central Pangasinan Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share