PNHS Medical and Dental Unit

Directions

PNHS Medical and Dental Unit Official FB Page of Pangasinan National HighSchool Medical and Dental Unit

02/09/2026

Hi, Bestie! September na! Ang bilis ng panahon, diba?

The past eight months may have been challenging. There were probably days when you felt tired, lost, or unsure of what comes next. But somehow, you kept going—and that matters.

As we enter the last four months of the year, I hope you remember that you don’t have to carry everything alone. It’s okay to reach out, to pause, to ask for help, and to simply take things one day at a time.

There is still so much life ahead of you—more days to experience, people to meet, memories to make, and little moments that haven't happened yet.

So, whatever today looks like, please stay.

And if you’re having a difficult time, I hope you know that someone is always willing to listen.

Here’s to a gentler September, and to the four months we still have ahead.

I’m proud of you for making it this far, bestie.

Keep going. 🤍

02/09/2026
Ngayong tag-ulan, maaaring tumaas ang panganib ng food- and waterborne diseases (FWBD) dahil sa pagbaha at kontaminasyon...
02/09/2026

Ngayong tag-ulan, maaaring tumaas ang panganib ng food- and waterborne diseases (FWBD) dahil sa pagbaha at kontaminasyon ng pagkain at inuming tubig.

Paalala ng DOH: Alamin ang sintomas ng FWBD, senyales ng dehydration, at kung kailan dapat kumunsulta sa doktor. Madali itong iwasan sa pagkain ng malinis na pagkain at pag-inom ng inuming tubig, paghuhugas ng kamay, at pagpapanatiling malinis ang kapaligiran, lalo na sa mga lugar na pinagkakainan.

Kung nakakaranas ng mga malubhang sintomas gaya ng pagtatae, pagsusuka, at pananakit ng tiyan, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center.

Hindi kailangang may sugat para magkaroon ng leptospirosis. Maaaring makapasok ang Leptospira bacteria sa katawan sa pam...
26/08/2026

Hindi kailangang may sugat para magkaroon ng leptospirosis. Maaaring makapasok ang Leptospira bacteria sa katawan sa pamamagitan ng mata, ilong, bibig, o maliliit na sugat sa balat kapag lumusong sa baha na kontaminado ng ihi ng infected na hayop.

Kung lumusong sa baha, may sugat man o wala, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility o YAKAP Clinic upang malaman kung kailangan ng doxycycline prophylaxis.

Kapag nakaranas ng mga sintomas na ito, agad na magpakonsulta:

✅ Lagnat
✅ Pananakit ng ulo at katawan
✅ Paninilaw at pamumula ng mata
✅ Paninilaw ng balat (Jaundice)

BABALA: Huwag basta-basta uminom ng doxycycline. May mga taong hindi ito maaaring gamitin, kabilang ang mga buntis, nagpapasuso, at mga batang edad 8 pababa. Kumonsulta muna sa doktor.

DOH: WALANG SUGAT PERO LUMUSONG SA BAHA? MAGPAKONSULTA PA RIN KONTRA SA LEPTOSPIROSIS!

Detalye sa comment section:




11/08/2026
10/08/2026

DOH: ALAMIN ANG MGA HAKBANG UPANG MAAGAPAN ANG LEPTOSPIROSIS NGAYONG TAG-ULAN!

Detalye sa comment section.






10/08/2026

‼️𝐃𝐎𝐇: 𝐌𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐒𝐨𝐫𝐞 𝐄𝐲𝐞𝐬!‼️

Pinaaalalahanan ng Department of Health ang publiko na ugaliing panatilihin ang tamang kalinisan upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.

Palaging maghugas ng kamay, iwasang hawakan ang mga mata, at huwag maghiraman ng mga personal na gamit tulad ng tuwalya at panyo.

Kung nakararanas ng pamumula, pangangati, pananakit, o paglabas ng nana sa mata, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility.


10/08/2026

Address

Alvear Street
Lingayen
2401

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNHS Medical and Dental Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share