15/07/2026
Ugaliing basahin muna ang label ng iniinom nating mga gamot especially ang Active Components/ Generic Name dahil may mga gamot na bawal pagsabayin kagaya ng Bioflu, Symdex, Neozep at Decolgen. Ang mga brand na ito ay nagtataglay ng mga sumusunod na Active Components:
Analgesic/Antipyretic: Paracetamol (Nakakatulong mapababa ang lagnat at maibsan ang mild pain)
Decongestant: Phenylephrine, Phenylpropanopamine (Nakakatulong sa pagluwag ng baradong ilong)
Antihistamine: Chlorphenamine (Nakakatulong sa allergy na pwedeng magdulot ng sipon)