08/07/2026
🌏 CLIMATE CHANGE, KALUSUGAN, AT NUTRISYON: Mga Hamon at Paraan ng Pagtugon 🌏
Ngayong , na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan," alamin natin ang ugnayan ng climate change, kalusugan, at nutrisyon.
Sa pabago-bagong panahon at sa lumalalang klima, hindi lamang ang kalikasan ang nakararanas ng matitinding epekto nito, kundi pati na rin ang kalusugan at nutrisyon ng mga mamamayan. Ang mga climate shocks, tulad ng prolonged drought at mga extreme weather events gaya ng malalakas na bagyo, ay maaaring magdulot ng pagkaantala sa food system, kabilang ang produksyon, distribusyon, at access sa pagkain.
Bunga nito, maaaring tumaas ang presyo ng mga pagkain, lalo na kapag may mga bagyo at iba pang kalamidad. Sa mga ganitong sitwasyon, maraming pamilya ang nahihirapang magkaroon ng sapat at masustansyang pagkain, kaya tumataas ang panganib ng food insecurity at malnutrisyon, lalo na sa mga vulnerable sector tulad ng mga bata, matatanda, at mga buntis.
Upang mas mapatatag ang ating food system at mabawasan ang banta ng food insecurity at malnutrisyon, mahalagang tangkilikin ang mga pagkaing mula sa mga lokal na producer. Maaari itong makatutulong sa pangangalaga ng kalikasan at sumusuporta rin ito sa healthy eating. Mahalaga rin na masiguro ang pagbabawas sa food loss at food waste, dahil nakatutulong ito sa mas responsableng paggamit ng mga likas na yaman at sa pagpapatatag ng ating food system.
Ang pagtugon sa hamon ng climate change ay hindi lamang tungkol sa pangangalaga ng kalikasan. Mahalaga rin ito upang mapanatili ang sapat, ligtas, at masustansyang pagkain para sa lahat at matiyak ang mabuting kalusugan at tamang antas ng nutrisyon ng bawat Pilipino.