26/08/2020
Sa mga nagtatanong kung ano ang aftercare na payo ko sa mga client ko
Aftercare:
-Umiwas sa pagkain na malansa atleast 1week wag pasaway, wag pataygutom sa bawal
-Bawal magswimming or mababad ng matagal, wag matigas ang kokote
-Wash with antibacterial soap and clean water atleast 3-5 times a day, wag dugyot
-Pat dry with clean cloth, towel or paper towel after hugasan, ganun talaga pinupunasan natin ang basa
-Applyan ng mild moisturizing lotion or baby lotion, mild lang ha, kunwari may baby ka
-Or mas maiging Dry Healing, walang ilalagay na kahit ano hanggang matuyo for 3 days, natural healing kumbaga, para purong natural walang halong kemikal
-If ever na hindi matuyo after 3days by then saka ka lang mag apply ng ointment: Drapolene, Mupirocin or bepanthen, (meron sa mercury drugstore di kailangan ng reseta)
-Thinly or sobrang nipis lang ang paglagay, every after wash, wag makapal bes para makahinga, anything na makapal nakakairita
-wag magsuot ng masisikip at makapal na damit na makakagasgas at makakakulob sa tattoo mo, pahingahin mo, isipin mo nalang na may buhay din siya
-wag papahawakan sa maruming kamay, at make sure na malinis ang damit na sinusuot na sumasayad sa tattoo mo, wag kaderder ha
-wag kutkutin or tuklapin kapag nagbabalat hayaan lang kusa magbalat at kusa magtuklap, bawal kamutin, tapik tapik lang kung makati, ganyan talaga pag pagaling na nangangati na
-Higit sa lahat Wag na wag makinig sa iba, sa artist ka makinig, pag nasira ang tattoo mo, di naman sila ang aayos, yung artist padin, so wag matigas ang ulo, kundi magsisisi ka tapos pagbubuntunan minsan ang artist na wala namang kasalanan at ipopost mo pa para ipahiya, wag ganun, alagaan mo kasi
-Wag na wag gagamit ng baby oil or petroleum jelly, dahil lalo lang kinakapitan ng dumi ang tattoo mo at nakukulob ang tattoo mo na para bang naluluto dahil mainit yan sa balat, oily yung mga yun, hindi mo yan ipiprito saka nakakalabo ng tattoo yun
-it takes 2 weeks to 1 month ang pagfully healed ng tattoo kaya wag mag alala masyado at wag madaliin ang pag galing hindi ka si wolverine 😅
Nasa artist ang gawa, pag maayos ang gawa, nasa kliyente ang pag alaga, kaya ayusin ang pag aalaga
Sa mga nagtatanong kung pwede ishare, pwedeng pwede po, at sa mga magsheshare at kokpya nito, bigyan mo ko ng credits, dahil nakakapagod din magtype hahaha
Labyah guys, tattoo lang ang may forever