21/10/2025
Gaano man kabagal,walang dahilan para tumigil
Sa negosyo, normal ang araw na matumal.
Normal na may benta kahapon, pero tahimik ngayon.
Normal na minsan ubos ang paninda, pero minsan ubos din ang puhunan.
Pero alam mo kung ano ang hindi dapat maging normal?
Yung sumusuko.
Kasi ang tunay na negosyante, marunong tumanggap ng mabagal na araw pero hindi kailanman titigil sa paggalaw.
Marunong mag-adjust, magdiskarte, at maghintay ng tamang timing.
Hindi laging paldo, oo. Pero may dahilan ka pa rin para lumaban para sa pamilya mo, sa mga umaasa sayo, at sa pangarap mong mabuo.
Kaya kahit anong mangyari…
𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗛𝗨𝗠𝗜𝗡𝗧𝗢.
CTTO