26/08/2025
ππ§ππ«π² π§π¨. # 5
"π²ππππππ"
-ππππππππ ππ π©πππππππππ π―πππ
Sa bawat laban tungong pagpapalaya
Madugong digmaan man o siyang payapa
Nandiyang parati silaβ
Hindi mo man sila makita
Mga magigiting na kamay na tuong magsiwalat
Mangyari mang lapastanganin at silaβy lumisang dilat
Kailanmaβy hinding hindi mo sila magugulatβ
Sapagkat ipinanganak silang sa sariling dangal ay tapat
Mga anak ng inang bayan na may tatlong asawa
Kilalang lubos na mapagkalinga at mapagpakumbaba
Ngunit sa oras na hagupitin muli ang kanilang mahal na ina,
Lalaban silang may tapang, pagkaitan man sila ng sandata
Aalingasaw ang labì ng mga pinatatahimik
Ang mga buhay na punla ang silang maghihimagsik
Uugong ang sigaw kahit sila man ay masigid
Makamtan lamang ang pag uwi at ang taimtim na halik
Ng katotohanang itinatago ng mga mapagkunwari
Silang humahamak na walang parangal sa kanilang salinlahi
Umuupong mapagpanggap at nag-aastang hari
Kinalimutang katungkulan, katarungaβy isinantabi
Nakalaya mang saglit ang ibon sa himpapawid
Magbago man ang uri ng pagsakop at kanilang pagtawid
Parating may isang kamay at mga matang magmamasid
At mga boses na walang humpay na dadaing at babatid
Isisigaw ang kalayaan para sa mga isinilang na p**i
Mapaos maβy di mangingilid sa mapagpanggap na bingi
Sapagkat payo ng mga kagalang-galangan ang kanilang mga bitbit:
Katapangan ang baril at balaβt, boses nila ang kalabit.