13/09/2026
KWENTONG CARLOS: SA GITNA NG SUNOG, BAYANIHAN ANG NANAIG
Sa isang tahimik na gabi, habang karamihan ay nagpapahinga at natutulog, isang malagim na sunog ang biglang sumiklab.
Sa gitna ng takot at pangamba, nagpapasalamat kami sa ating Panginoong Diyos dahil ginabayan Niya ang bawat isa. Sa kabila ng tindi at tagal ng sunog, walang malubhang nasaktan at walang nasawi. ๐
Lubos ang aming paghanga at pasasalamat sa Bureau of Fire Protection, Lucena City Traffic Enforcers, First Responders, Meralco Linemen, volunteers, at ating mga Carlos Angels - mga tunay na bayani sa oras ng trahedya.
Sa kanilang tapang, malasakit, at pagtutulungan, napigilan ang pagkalat ng apoy at naprotektahan ang mga kalapit na establisyimento at healthcare facilities, kabilang ang Carlos SuperDrug City Center at Cabana Branch, na kapwa nasa kanto ng lugar na naapektuhan ng sunog.
Masakit mang makita ang mga gusali, negosyo, at mga bagay na pinaghirapan at pinundar sa loob ng maraming taon na lamunin ng apoy, mas mahalaga pa rin ang buhay at kaligtasan ng bawat isa.
At sa simpleng paraan, nakiisa rin ang Carlos SuperDrug sa ating mga bayani sa pamamagitan ng pamamahagi ng tubig at tinapayโmunting pamatid sa gutom at uhaw habang patuloy silang lumalaban sa apoy.
Higit sa lahat, saludo kami sa aming mga Carlos Angels na nanatiling alerto, nagbantay, at siniguro ang kaligtasan ng kanilang mga kasamahan at ng aming botika sa gitna ng papalapit na apoy.
Sa pamumuno nina Ms. Edita Pinto at Ms. Marilou Alegre, ipinakita nila ang tunay na diwa ng Alagang Carlos - ang pag-aalaga hindi lamang sa aming customers, kundi sa isa't isa at sa buong komunidad.
Sa panahon ng trahedya, hindi takot ang nanaigโkundi tapang, pagtutulungan, bayanihan, at malasakit.
๐ Salamat, Panginoon, sa pag-iingat at paggabay.
โค๏ธ Salamat sa lahat ng tunay na bayani.
Alagang Carlos. Sama-sama hindi lang sa sigla't saya, ganun din sa bayanihan.