03/03/2026
Sa mga momshies na sigurado na sa kanilang family planning journey at gusto nang magpa-Bilateral Tubal Ligation (BTL), ito na ang chance ninyo para humabol sa screening! ✨
Ngayon March sa pagdiriwang ng Women's Month, magaganap ang Bilateral Tubal Ligation ( BTL) Caravan sa QPHN-QMC
🌸ALAMIN: FAMILY PLANNING AT ANG OPSYON NG PAGPAPATALI (BILATERAL TUBAL LIGATION)🌸
Ang family planning ay mahalaga upang mapaghandaan ang kinabukasan ng pamilya. Nakakatulong ito upang makapagdesisyon ang mag-asawa kung kailan at ilan ang nais nilang maging anak.
Isa sa mga permanenteng paraan ng family planning ay ang Bilateral Tubal Ligation (BTL) o mas kilala bilang pagpapatali ng babae.
🔎 Ano ang Bilateral Tubal Ligation?
Ang Bilateral Tubal Ligation ay isang permanenteng paraan ng kontrasepsyon kung saan tinatali, pinuputol, o sinasarado ang fallopian tubes ng babae upang hindi na magtagpo ang semilya at itlog.
✅ Permanenteng paraan
✅ Hindi na kailangang uminom ng pills o magpa-inject
✅ Walang epekto sa buwanang regla (karaniwan ay nagpapatuloy pa rin ito)
👩⚕️ Para Kanino Ito?
✔️ Mga babaeng sigurado nang ayaw na magkaanak
✔️ May sapat nang bilang ng anak
✔️ May kondisyong medikal na delikado ang susunod na pagbubuntis
💬Tandaan:Ang family planning ay personal na desisyon ng mag-asawa o babae. Mahalaga ang tamang kaalaman at gabay ng health professionals upang makapili ng paraang angkop sa inyong kalagayan.
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa QPHN-Quezon Medical Center-Women's Health Center, 2nd floor, QMC bldg. (beside OB office)
para sa Screening mula 8am-3pm
look for Nurse Ady/09257793302