06/05/2026
WALANG PASOK SA PAMPANGA AT ANGELES CITY bukas, ika-pito ng Mayo, para gunitain natin ang kabayanihan ng ating dakilang kabalen na si Acting Commonwealth President at Chief Justice Jose Basco Abad Santos. Ang special non-working holiday po ay alinsunod sa Republic Act No. 7552 (1992) na inamendyahan ng Republic Act No. 8815 (2000) para isama ang Angeles City sa saklaw ng naturang holiday.
Ang pinal na petsa ng pagpaslang kay Chief Justice ay itinakda sa May 1, 1942, batay sa Imperial Japanese Army war records na nasaliksik ng National Historical Commission of the Philippines. Taliwas ito sa mga petsa na May 2 o May 7 bago ang taong 2014.
Pinili ni Chief Justice ang hatol na kamatayan by firing squad kaysa makipag-sabwatan sa Hapon na gawing kolonya ang Pilipinas.
Katulad ng kanyang koyang na si Pedro Abad Santos, ang nagtatag ng Partido Sosyalista ng Pilipinas, ang labi ni Chief Justice ay hindi na natagpuan sa Malabang, Lanao.
Kayanakang Kapampangan, magandang halimbawa si Chief Justice Jose Abad Santos ng dangal at pagmamahal sa bayan.
https://www.officialgazette.gov.ph/about/gov/judiciary/sc/cj/jose-abad-santos/?fbclid=IwdGRjcARlZApjbGNrAiDLiWV4dG4DYWVtAjEwAAEdMFUK0smxwxLhI2z0z08f34rE2X5DYFhHU2NkLDmIgcFIToj46jeikZQ8_aem_WXfIzhV17rHHZ4FidVJUMg
https://www.officialgazette.gov.ph/about/gov/judiciary/sc/cj/jose-abad-santos-2/?fbclid=IwVERDUARlZCRjbGNrAiDLiWV4dG4DYWVtAjEwAAEdMFUK0smxwxLhI2z0z08f34rE2X5DYFhHU2NkLDmIgcFIToj46jeikZQ8_aem_WXfIzhV17rHHZ4FidVJUMg