Tañong Health Center - Malabon

Tañong Health Center - Malabon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tañong Health Center - Malabon, Medical and health, Malabon.

10/09/2026

Sa pangunguna ni Pangulong 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿. at ng 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐨𝐧 sa pamumuno ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗝𝗲𝗮𝗻𝗻𝗶𝗲 𝗡. 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗼𝘃𝗮𝗹, patuloy na inilalapit sa komunidad ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎: 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 – 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐎𝐍 𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍.

Inaanyayahan ang mga Malabueño na makibahagi sa mga serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilya.

🩺 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔:
• Medical Consultation
• Dental Services
• Family Planning
• Adolescent Counseling/ Services
• Nutrition Counseling/ Services
• Mental Health Counseling/Services
• Immunization
• PhilHealth YAKAP
• ECG at Ultra*ound
• Bakuna
• Social Hygiene Services
• Sanitation Services
• Active Case Finding at X-ray
• Vital Signs at NCD/Risk Assessment
• Cervical Cancer Screening

📍 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎: 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 – 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐎𝐍 𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍
🗓️ 𝐒𝐄𝐏𝐓𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔
🕖 𝟖:𝟬𝟬 𝐀𝐦 – 𝟏𝟐:𝟬𝟬 𝐍𝐧
📌 𝐏𝐨𝐭𝐫𝐞𝐫𝐨 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭, 𝐀𝐭𝐢𝐬 𝐑𝐨𝐚𝐝, 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐨𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲

💙 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗯𝘂𝗲ñ𝗼!

Isang share mo, dagdag kaalaman para sa iba. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa para sa isang , tungo sa , dahil .

10/09/2026
10/09/2026

Ang 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐒𝐮𝐢𝐜𝐢𝐝𝐞 𝐏𝐫𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐚𝐲 ay paalala na mahalagang bigyan pansin ang pinagdaraanan ng bawat isa. Minsan, ang isang taong tahimik ay may mabigat na laban na hindi natin nakikita.

𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻?
• Makinig nang walang panghuhusga.
• Kumustahin ang taong tila nahihirapan o nagbabago ang kilos.
• Hikayatin silang humingi ng tulong sa pamilya, kaibigan, health worker, o mental health professional.
• Kung may agarang panganib, huwag silang iwan ng mag-isa at humingi agad ng emergency assistance.

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na marunong makinig, umunawa, at umalalay. Hindi kailangang harapin nang mag-isa ang mabigat na pinagdaraanan.

𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐭𝐲𝐚𝐠. 𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐤𝐢𝐧𝐢𝐠. 𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚.

Isang share mo, dagdag kaalaman para sa iba. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa para sa isang , tungo sa , dahil .

07/09/2026

Ngayong 𝗕𝗹𝗼𝗼𝗱 𝗖𝗮𝗻𝗰𝗲𝗿 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵, hinihikayat ang bawat Malabueño na palawakin ang kaalaman tungkol sa 𝐛𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐜𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫.

Ang blood cancer ay isang uri ng sakit na nakaaapekto sa dugo, bone marrow, at lymphatic system. Maaaring kabilang dito ang 𝗹𝗲𝘂𝗸𝗲𝗺𝗶𝗮, 𝗹𝘆𝗺𝗽𝗵𝗼𝗺𝗮, 𝗮𝘁 𝗺𝘆𝗲𝗹𝗼𝗺𝗮. Bagama’t ito ay seryosong kondisyon, 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗶𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝘂𝘁𝗮𝗻 upang mapabuti ang kalagayan ng pasyente.

𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐭𝐨𝐦𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐛𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧 :
• Madalas na panghihina o madaling mapagod
• Madalas na pagkakaroon ng lagnat o impeksyon
• Pamumutla o madaling pagkakaroon ng pasa
• Pagbaba ng timbang na hindi inaasahan

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚:
Kung may nararamdamang kakaiba sa inyong kalusugan o may sintomas na nabanggit, huwag mag-atubiling magpatingin sa pinakamalapit na 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿. Ang maagang pagkonsulta ay mahalaga upang maagapan ang anumang karamdaman.

Isang share mo, dagdag kaalaman para sa iba. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa para sa isang , tungo sa , dahil

07/09/2026
07/09/2026

𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢: 𝗗𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗥𝗔𝗕𝗜𝗘𝗦 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡🐶
Patuloy ang pagsisikap ng Malabon na mapanatiling ligtas ang bawat pamilya laban sa rabies. Kaugnay nito, magkakaroon ng 𝗗𝗼𝗴 𝗔𝗻𝘁𝗶-𝗥𝗮𝗯𝗶𝗲𝘀 𝗩𝗮𝗰𝗰𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 para sa mga alagang a*o sa komunidad.

📅 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟬𝟖, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀)
⏰ 𝟵:𝟬𝟬 𝗔𝗠 – 𝟭𝟮:𝟬𝟬 𝗡𝗡
📍𝗕𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲 𝐂𝐚𝐭𝐦𝐨𝐧 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫

Ang 𝗿𝗮𝗯𝗶𝗲𝘀 ay isang seryosong sakit ngunit kayang maiwasan sa pamamagitan ng tamang pagbabakuna. Ang simpleng pagpapabakuna ng a*o ay malaking hakbang para sa kaligtasan ng buong barangay.

Inaanyayahan ang lahat ng may alagang a*o na makiisa. Siguraduhing may tali o kulungan ang alaga at sundin ang itinakdang oras.

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil

07/09/2026

Calling all our ka-lungs!🫁

📢𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗖𝗛𝗘𝗦𝗧 𝗫-𝗥𝗔𝗬 𝗮𝘁 𝗧𝘂𝗯𝗲𝗿𝗰𝘂𝗹𝗶𝗻 𝗦𝗸𝗶𝗻 𝗧𝗲𝘀𝘁( 𝗣𝗣𝗗 𝗧𝗲𝘀𝘁)📢
“𝐓𝐮𝐛𝐞𝐫𝐜𝐮𝐥𝐨𝐬𝐢𝐬 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐂𝐚𝐬𝐞 𝐅𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠”

📅 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟬𝟖, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗧𝘂𝗲𝘀𝗱𝗮𝘆)
🕖 𝟕:𝟬𝟬 𝗔𝗠 – 𝟯:𝟬𝟬 𝗣𝗠
📍𝐇𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐃𝐮𝐡𝐚𝐭 𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫
📌 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚: 𝐦𝐚𝐠𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 (𝟏) 𝐯𝐚𝐥𝐢𝐝 𝐈𝐃

𝗠𝗮𝗹𝗮𝗯𝘂𝗲ñ𝗼, ang kalusugan ay kayamanan lalo na para sa ating mga mahal sa buhay. Bilang bahagi ng ating kampanya laban sa Tuberculosis (TB), ang 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 – 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐓𝐮𝐛𝐞𝐫𝐜𝐮𝐥𝐨𝐬𝐢𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐨𝐥 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐍𝐓𝐏) 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐨𝐧, katuwang ang 𝐂𝐮𝐥𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐧𝐜., ay magsasagawa ng 𝐓𝐮𝐛𝐞𝐫𝐜𝐮𝐥𝐨𝐬𝐢𝐬 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐂𝐚𝐬𝐞 𝐅𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠. May 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗲𝘀𝘁 𝗫-𝗿𝗮𝘆 at 𝗧𝘂𝗯𝗲𝗿𝗰𝘂𝗹𝗶𝗻 𝗦𝗸𝗶𝗻 𝗧𝗲𝘀𝘁 (𝗣𝗣𝗗 𝗧𝗲𝘀𝘁) para sa lahat ng 𝟭𝟱 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 lalo na sa mga nakararanas ng 𝐮𝐛𝐨 𝐧𝐚 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨, 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐰𝐢𝐬 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐛𝐢, 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐡𝐢𝐡𝐢𝐧𝐚, 𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐦𝐛𝐚𝐧𝐠 upang higit pang 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐤𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚 𝐓𝐮𝐛𝐞𝐫𝐜𝐮𝐥𝐨𝐬𝐢𝐬 (𝐓𝐁).

🎯𝐋𝐚𝐲𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚:
✅ 𝗠𝗮𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘁𝘂𝗸𝗹𝗮𝘀– Matukoy ang mga indibidwal na maaaring may latent o aktibong TB.
✅ 𝗣𝗮𝗴-𝗶𝘄𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗴𝗽𝗼 𝘀𝗮 𝗧𝗕 – Pigilan ang pagkalat ng TB sa pamamagitan ng maagap na pagtukoy at tamang gamutan.
✅ 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻– Itaas ang kamalayan ng komunidad ukol sa sintomas, panganib, at kahalagahan ng maagang pagpapasuri.

👉 Makilahok sa libreng pagsusuri para sa kalusugan. Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa mas ligtas at mas malusog na Malabon.💙

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil

01/09/2026

𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬: 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗭𝗘

Malabueño, patuloy na binabantayan ng DENR-EMB ang kalidad ng hangin sa ating lungsod at buong National Capital Region (NCR) dahil sa naitalang haze o usok sa paligid. Ang kondisyong ito ay posibleng dulot ng usok mula sa mga sunog sa Kalimantan, Indonesia na itinutulak ng hangin patungo sa ating bansa.

𝗡𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻:
🔹 Iwasan muna ang matitinding outdoor activities, lalo na kung kapansin-pansin ang usok o masama ang kalidad ng hangin.
🔹 Manatili sa loob ng bahay at tiyaking maayos ang bentilasyon kung ligtas itong gawin.
🔹 Kung kinakailangang lumabas, magsuot ng angkop na face mask gaya ng N95 o katumbas nito.
🔹 Uminom ng sapat na tubig upang makatulong na maiwasan ang iritasyon ng lalamunan.
🔹 Mas pag-ingatin ang mga bata, matatanda, buntis, at may sakit sa puso, o sa baga o sa paghinga.
🔹 Panatilihin ang personal hygiene, kabilang ang regular na paghuhugas ng kamay at pagligo matapos ma-expose sa usok.
🔹 Iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon. Sumangguni lamang sa opisyal na updates ng pamahalaan.

🩺 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡?
Kung makararanas ng tuloy-tuloy na pag-ubo, hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, pagkahilo, o paglala ng dati nang karamdaman, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na Health Center o Super Health Center.

Isang share mo, dagdag kaalaman para sa iba. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa para sa isang , tungo sa , dahil .

01/09/2026
01/09/2026

Bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng mababang kalidad ng hangin, hinihikayat ko po ang lahat na magsuot ng face mask kapag kinakailangang lumabas ng bahay.

Patuloy po na minomonitor ang kondisyon ng hangin sa Malabon at sa iba pang bahagi ng Metro Manila upang makapagbigay ng kaukulang paalala at impormasyon sa ating mga kababayan lalo po sa mga kabataan, senior citizens, buntis, at mga may asthma at may karamdaman puso.

Kung maaari po ay iwasan muna ang matagal na pananatili at mabibigat na gawain sa labas, at manatili sa loob ng bahay kung hindi naman kailangang lumabas.

Posibleng may kaugnayan ang haze o usok sa mababang kalidad ng hangin na nararanasan natin dahil sa mga forest at land fires sa Kalimantan, Indonesia.

Address

Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tañong Health Center - Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share