Tinajeros Health Center- Malabon

Tinajeros Health Center- Malabon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tinajeros Health Center- Malabon, Health & Wellness Website, 66 Crispin Street Tinajeros, Malabon.

𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟎4, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 𝐃𝐚𝐲 4📍 𝐄𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭𝐮 & 𝐒𝐚𝐧𝐜𝐡𝐞𝐳 𝐒𝐭.𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗜 𝗖𝗛𝗜𝗞𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦-𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡!...
04/06/2026

𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟎4, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 𝐃𝐚𝐲 4
📍 𝐄𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭𝐮 & 𝐒𝐚𝐧𝐜𝐡𝐞𝐳 𝐒𝐭.

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗜 𝗖𝗛𝗜𝗞𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦-𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡!💉
Ang mga bakuna ay ligtas, epektibo, at subok na sa loob ng maraming dekada. Dumaan ang mga ito sa masusing pagsusuri at nakapasa sa mahigpit na pamantayan upang maprotektahan ang bawat Pilipino laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
✅ Subok na
✅ Libre, ligtas at epektibo
✅ Para sa lahat
Dalhin ang mga batang edad 6-59 buwang gulang sa pinakamalapit na health center o vaccination site sa inyong lugar.






03/06/2026

Ang araw na ito ay isang pag bibigay pugay para sa lahat ng 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 𝐒𝐮𝐫𝐯𝐢𝐯𝐨𝐫𝐬 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐨𝐧, mga ina, ama, kabataan, at matatanda na patuloy na lumalaban at nagbibigay inspirasyon sa ating komunidad. Ang kanilang tagumpay ay patunay na sa tulong ng maagang pagsusuri, wastong gamutan, at malasakit ng pamilya at pamahalaan, may pag-asa laban sa kanser.

𝐔𝐧𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐧𝐬𝐞𝐫
Ang kanser ay sakit na nagmumula sa hindi normal na paglaki ng mga selula sa katawan. Maaari itong kumalat kung hindi maagapan, kaya’t mahalaga ang maagang pagtuklas at tuloy-tuloy na gamutan.

𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐰𝐚𝐬:
• Panatilihin ang malusog na pamumuhay
• Kumain ng prutas at gulay araw-araw
• Iwasan ang bisyo tulad ng sigarilyo at labis na alak
• Magpabakuna laban sa HPV at Hepatitis B
• Magpa-regular na check-up at screening

Maraming uri ng kanser ang maaaring magamot kung matutuklasan nang maaga. Huwag balewalain ang mga sintomas at agad kumonsulta sa Doktor.

𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐬𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬, 𝐛𝐢𝐬𝐢𝐭𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐨 𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫. Nariyan ang ating mga Health Workers upang gumabay at magbigay ng tamang impormasyon para sa inyong kalusugan.

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil

03/06/2026

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗜 𝗖𝗛𝗜𝗞𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦-𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡!💉

Ang mga bakuna ay ligtas, epektibo, at subok na sa loob ng maraming dekada. Dumaan ang mga ito sa masusing pagsusuri at nakapasa sa mahigpit na pamantayan upang maprotektahan ang bawat Pilipino laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

✅ Subok na
✅ Libre, ligtas at epektibo
✅ Para sa lahat

Dalhin ang mga batang edad 6-59 buwang gulang sa pinakamalapit na health center o vaccination site sa inyong lugar.






03/06/2026

📣 CALLING ALL PAPAVACCINE AT BAKUNANAY

Good news! Bukas ang ating mga Super Health Centers tuwing Sabado at Linggo sa buong buwan ng Hunyo para sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA)!

🗓️ Tuwing Sabado at Linggo
⏰ 8:00 AM – 12:00 PM

Huwag palampasin ang pagkakataong maprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella. Ang bakuna ay ligtas, epektibo, at mahalagang hakbang upang mapanatiling malusog ang ating komunidad.

Sama-sama nating sugpuin ang tigdas at rubella. Dalhin na ang inyong mga anak sa pinakamalapit na Super Health Center!

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil

𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟎𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 𝐃𝐚𝐲 𝟑📍 𝐄𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭𝐮 𝐒𝐭.𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗜 𝗖𝗛𝗜𝗞𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦-𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡!💉Ang mga b...
03/06/2026

𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟎𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 𝐃𝐚𝐲 𝟑
📍 𝐄𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭𝐮 𝐒𝐭.

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗜 𝗖𝗛𝗜𝗞𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦-𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡!💉
Ang mga bakuna ay ligtas, epektibo, at subok na sa loob ng maraming dekada. Dumaan ang mga ito sa masusing pagsusuri at nakapasa sa mahigpit na pamantayan upang maprotektahan ang bawat Pilipino laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
✅ Subok na
✅ Libre, ligtas at epektibo
✅ Para sa lahat
Dalhin ang mga batang edad 6-59 buwang gulang sa pinakamalapit na health center o vaccination site sa inyong lugar.






02/06/2026
02/06/2026

Sa pagdiriwang ng 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐍𝐨 𝐓𝐨𝐛𝐚𝐜𝐜𝐨 𝐃𝐚𝐲, sama-sama nating ipaalala na ang pagtigil sa paninigarilyo ay isa sa pinakamahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating sarili at ang ating pamilya mula sa malulubhang sakit.

𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐥𝐨𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐠𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲𝐨?

• Kanser sa baga, bibig, lalamunan at iba pang bahagi ng katawan
• Sakit sa puso at stroke
• Sakit sa baga tulad ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) at hika
• Mahinang resistensya at iba pang komplikasyon sa kalusugan

𝐌𝐚𝐲 𝐚𝐠𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐓𝐔𝐌𝐈𝐆𝐈𝐋 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐠𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲𝐨:
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐠𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝟐𝟎 𝐦𝐢𝐧𝐮𝐭𝐨– Bumabalik sa normal ang blood pressure at tibok ng puso
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐠𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝟏𝟐 𝐨𝐫𝐚𝐬 – Bumababa sa normal ang carbon monoxide sa dugo
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐠𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐢𝐩𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝟐 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟗 𝐧𝐚 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 – Gumaganda ang paghinga at sirkulasyon ng dugo
𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗴𝗮𝗿𝗶𝗹𝘆𝗼 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗶𝗽𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝟭 𝘁𝗮𝗼𝗻 – Kalahati ang ibinababa ng panganib sa sakit sa puso
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐠𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐢𝐩𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝟓 𝐭𝐚𝐨𝐧 – Bumababa ang tsansa ng kanser sa bibig, lalamunan, pantog at stroke
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐠𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐢𝐩𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝟏𝟎–𝟏𝟓 𝐭𝐚𝐨𝐧 – Halos kapantay na ng hindi naninigarilyo ang panganib sa sakit sa puso at kanser sa baga.

𝗕𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗶𝗴𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝘁𝗼𝗯𝗮𝗰𝗰𝗼:
✔️ Mas mababang panganib sa iba’t ibang uri ng kanser
✔️ Mas mababang tsansa sa sakit sa puso at baradong ugat
✔️ Mas malusog na baga at paghinga
✔️ Mas mababang panganib ng pagkabaog sa kababaihan

Hindi kailanman huli ang pagtigil sa paninigarilyo. Habang mas maaga kang tumigil, mas malaki ang tsansa ng paggaling ng katawan at mas hahaba ang iyong buhay.

Bumisita sa pinakamalapit na 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗼 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 para sa:
✅ Counseling at suporta sa pagtigil sa paninigarilyo
✅ Health check-up at tamang gabay
✅ Libreng impormasyon para sa mas malusog na pamumuhay

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil

02/06/2026

Ngayong 𝐏𝐫𝐨𝐬𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡, hinihikayat ang lahat ng kalalakihan sa Malabon na palakasin ang kaalaman tungkol sa prostate cancer, isang uri ng kanser na tumatama sa prostate gland ng lalaki.

𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝘀𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗖𝗮𝗻𝗰𝗲𝗿?
Ang prostate cancer ay sakit kung saan ang mga selula sa prostate gland (isang maliit na glandula na tumutulong sa paggawa ng semilya) ay nagiging abnormal at dumadami nang hindi kontrolado. Kapag hindi agad natukoy, maaari itong kumalat sa ibang bahagi ng katawan.

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐌𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐢𝐛?
✔️ Magkaroon ng healthy lifestyle tulad ng tamang pagkain at regular na ehersisyo
✔️ Iwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak
✔️ Kumain ng gulay, prutas, at pagkaing mayaman sa fiber
✔️ Magpatingin at magpa-screening lalo na kung edad 50 pataas (o mas maaga kung may family history)

𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐫𝐢 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭.

𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐭𝐨𝐦𝐚𝐬 (𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐠𝐚𝐝 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐮𝐦𝐩𝐢𝐬𝐚):
• Hirap o madalas na pag-ihi
• Mahinang daloy ng ihi
• Pananakit sa balakang o likod
• May dugo sa ihi

Kapag nakaranas ng mga ito, agad magpakonsulta.

Ang kalusugan ng ating mga ama, asawa, kapatid, at lolo ay mahalaga sa katatagan ng bawat pamilya sa Malabon. Sa wastong kaalaman at maagap na pagkilos, ang prostate cancer ay maaaring maagapan.

Inaanyayahan ang lahat ng kalalakihan sa Malabon na bumisita sa 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐨 𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 para sa:
✔️ libreng konsultasyon
✔️ health education
✔️ referral para sa screening at pagsusuri

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil

02/06/2026
30/05/2026

𝟐 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐆 𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆!

Malapit na ang pagsisimula ng 𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬-𝐑𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 (𝐌𝐑𝐒𝐈𝐀) 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄 ngayong 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟏! 👶💙

Ang tigdas ay madaling makahawa at maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon lalo na sa mga bata. Kaya’t mahalagang mabigyan sila ng sapat na proteksyon sa pamamagitan ng bakuna.

👶 Para sa mga batang edad 𝟔-59 months old o wala pang 5 taon gulang.

📍 Magtungo sa pinakamalapit na Health Center, Super Health Center, o Vaccination Site sa inyong barangay.

📣 Sama-sama nating panatilihing ligtas at malusog ang bawat batang Malabonian!

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil

Address

66 Crispin Street Tinajeros
Malabon

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63282828811

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tinajeros Health Center- Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share