11/11/2025
Ang 𝗟𝗲𝗽𝘁𝗼𝘀𝗽𝗶𝗿𝗼𝘀𝗶𝘀 ay sakit na dulot ng bacteria na "Leptospira" na nasa ihi ng daga at ng iba pang hayop. 🐁
Nakukuha ito sa paglusong sa baha, sa maruming pagkain, o sa kontaminadong tubig na pumasok sa mata, ilong, o bibig.
𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗶𝗶𝘄𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗟𝗲𝗽𝘁𝗼𝘀𝗽𝗶𝗿𝗼𝘀𝗶𝘀?🛡️
✅Kung maaari, iwasang maglangoy o lumusong sa maduming tubig o baha
✅Gumamit ng bota at gloves kung hindi makaiiwas sa maduming tubig tulad ng tubig-baha
✅Maghugas ng malinis na tubig at sabon pagkatapos mababad sa kontaminadong tubig
✅Ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura
✅Panatilihin ang kalinisan ng bahay at kapaligiran
✅Siguraduhing malinis ang inuming tubig
Gamiting ang larawan sa ibaba bilang karagdagang gabay!