28/08/2026
Muntik na akong madukutan sa MRT.
Pagpasok ko sa huling bagon ng mrt, sa may ortigas station (south bound), pauwi na from an early event, medyo siksikan, hinila ko ung bag ko palapit sa akin dahil Pupunta ako sa bandang gitna ng train.
Pagka-hila ko ng bag ko, May biglang lalake na sumigaw, "aray ko!"
SIYA PA YUNG NAGULAT!
Yung backpack nya ay nasa harapan nya at nakita ko, KITANG KITA KO yung kamay nya na nasa ilalim ng bag nya galing sa bag ko!
Lumayo ako ng konti. At kahit bawal na ako magsalita at sumigaw after an event (absolute voice rest), sumigaw pa din ako to warn Yung mga pasahero.
Ang Sabi ko "MAGINGAT PO KAYO, MAY MANDURUKOT! Inulit ulit ko pa.
Sa susunod na istasyon, sabi ko, bababa ako at tatawag Sana ako ng gwardiya, Ngunit sinabi ng mga pasahero, may gwardya dun oh! (Kung nasan malapit ung mandurukot)
Sinigaw ko dun sa guard, may mandurukot po dyan!!!!
Ang sagot ng gwardya: MA'AM, NAIPIT LANG NAMAN DAW YUNG KAMAY NYA!
I don't know how to feel. Okay lang Sana Kung nagtanong sya sa akin, or inimbestigahan nya ang nangyari, maiintindihan ko pa. Parang ipinagtanggol pa nya Yung mandurukot at hinayaang makababa na lamang sa sumunod na istasyon Yung mandurukot.
Haist, Sabi pa ng ibang pasahero, Kaya nawiwili ang mga mandurukot na yan ay dahil hinahayaan lang.
I did my part, sumigaw ako Para magbigay warning at ni report ko sa police station pagbaba ko ng one Ayala. I wish I could have done more.
Nakakapanginig ng laman.
Thank You Lord for the protection and for saving me 🙏😭🥺