Malvar Super Health Center

Call Directions Contact the business

Malvar Super Health Center This is the official page of Malvar Municipal Health Office

πŸ“šHealthy Students; Brighter Tomorrow ❀️Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng LGU Malvar sa kalusugan at kapakanan n...
01/10/2026

πŸ“šHealthy Students; Brighter Tomorrow ❀️

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng LGU Malvar sa kalusugan at kapakanan ng kabataan, nagsagawa ng Awareness Campaign at Health Education Sessions sa mga mag-aaral ngayong buwan ng Setyembre.

πŸ—“οΈSeptember 9- Santiago National High School
πŸ—“οΈSeptember 10- Santiago Senior High School
πŸ—“οΈSeptember 11- Don Julio Memorial National High School
πŸ—“οΈSeptember 17- Luta Sur National High School

Tinalakay ang mahahalagang usaping pangkalusugan tulad ng:

🩸 HIV Awareness
πŸ’Š Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP)
🧠 Mental Health Awareness
🦟 Dengue Awareness and Prevention

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang ating mga kabataan ng tamang impormasyon, mapalawak ang kanilang kaalaman, at mahikayat silang gumawa ng responsableng desisyon para sa kanilang kalusugan at kinabukasan.

Lubos ang aming pasasalamat kay Mayor Admiral Artemio M. Abu sa kanyang pagdalo at patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkalusugan para sa kabataan. Ang gawaing ito ay bahagi ng 10-Point Agenda, partikular ang β€œKabataan Gagabayan,” na naglalayong gabayan, protektahan, at bigyang-halaga ang kabataan ng Malvar. πŸ’š

Maraming salamat din kay Konsehal Karina Reyes sa kanyang pag-silip at pakikiisa sa ating programa.

Sa pangunguna ng LGU Malvar at Malvar Super Health Center, sama-sama nating isulong ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas responsableng henerasyon ng kabataan.

Kabataan Gagabayan, Kalusugan Pahahalagahan! πŸ’š

πŸ“£School Based Immunization 2026- HPV vaccineπŸ“£Ngayon darating na Oktubre 2026 muling isasagawa ang Bakuna Eskwela sa mga ...
30/09/2026

πŸ“£School Based Immunization 2026- HPV vaccineπŸ“£

Ngayon darating na Oktubre 2026 muling isasagawa ang Bakuna Eskwela sa mga pampublikong paaralan sa buong Pilipinas, katuwang ang Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd).

Layunin nitong maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa disease at mapanatili silang malusog at ligtas habang nag-aaral.

πŸ“ŒPara sa Grade 4 at 5 na mga babae:
Human Papillomavirus (HPV) vaccine

Huwag palampasin ang Bakuna Eskwela!
Ang bakuna ay mahalagang proteksyon para sa kalusugan at kinabukasan ng ating mga anak. πŸ’‰β€οΈ

πŸ“Œ Abangan ang schedule ng pagbabakuna sa inyong paaralan.

πŸ“£ BAKUNA ESKWELA 2026! πŸ’‰πŸ«Ngayong Oktubre 2026, muling isasagawa ang Bakuna Eskwela sa mga pampublikong paaralan sa buong...
29/09/2026

πŸ“£ BAKUNA ESKWELA 2026! πŸ’‰πŸ«

Ngayong Oktubre 2026, muling isasagawa ang Bakuna Eskwela sa mga pampublikong paaralan sa buong Pilipinas, katuwang ang Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd).

Layunin nitong maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa mga vaccine-preventable diseases at mapanatili silang malusog at ligtas habang nag-aaral. πŸ’™

πŸ’‰ Para sa Grade 1 at Grade 7:
β€’ Measles-Rubella (MR)
β€’ Tetanus-Diphtheria (Td)

πŸ’‰ Para sa Grade 4 na mga babae:
β€’ Human Papillomavirus (HPV) vaccine

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§ Mga magulang at tagapag-alaga:
βœ”οΈ Dumalo sa PTA meeting at alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Bakuna Eskwela.
βœ”οΈ Pirmahan ang consent form kung papayagan ang inyong anak na mabakunahan.
βœ”οΈ Pagkatapos ng pagbabakuna, obserbahan ang bata at alamin ang wastong hakbang kung makaranas ng anumang side effects.

Huwag palampasin ang Bakuna Eskwela!
Ang bakuna ay mahalagang proteksyon para sa kalusugan at kinabukasan ng ating mga anak. πŸ’‰β€οΈ

πŸ“Œ Abangan ang schedule ng pagbabakuna sa inyong paaralan.

ALAMIN ANG MGA WARNING SIGNS NG SU***DE Ayon sa mga eksperto, ang depresyon, bullying, at trauma ay madalas na nagpapaki...
29/09/2026

ALAMIN ANG MGA WARNING SIGNS NG SU***DE
Ayon sa mga eksperto, ang depresyon, bullying, at trauma ay madalas na nagpapakita ng mga senyales. Ang pag-alam sa mga warning signs ng su***de tulad ng biglaang pagbabago sa kilos, paglayo sa kapwa, o pagpapahayag ng kawalan ng pag-asa ang unang hakbang upang makapagbigay ng tulong.
Be a safe space: Makinig nang may pang-unawa, makipag-usap sa propesyunal, at kung kinakailangan, magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.




Kalidad na Pangangalaga sa Ina, Kalusugan ng Sanggol may Garantiya” β€” 🀰BUNTIS CONGRESS 2026!   Masaya at matagumpay na n...
29/09/2026

Kalidad na Pangangalaga sa Ina, Kalusugan ng Sanggol may Garantiya” β€” 🀰BUNTIS CONGRESS 2026!

Masaya at matagumpay na naidaos ang Buntis Congress 2026, na dinaluhan ng mga piling buntis mula sa iba’t ibang barangay ng Malvar, kasama ang kanilang mga katuwang sa buhay. Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman, palakasin ang suporta, at itaguyod ang wastong pangangalaga sa kalusugan ng bawat ina, sanggol, at kanilang pamilya.

Nagbahagi si Dr. Kim Irving Billones, bilang guest speaker, ng mahahalagang kaalaman tungkol sa HIV Prevention and Awareness. Nagbigay rin ng mga talakayan ang mga staff ng Malvar Super Health Center tungkol sa First 1,000 Days: Pundasyon ng Malusog na Kinabukasan at Mental Health sa Pagbubuntis. Ipinaalala sa mga dumalo na hindi lamang pisikal na kalusugan ang dapat pangalagaan, kundi pati ang mental at emosyonal na kalagayan ng bawat ina.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating butihing Mayor Admiral Art M. Abu sa kanyang patuloy at buong-pusong suporta sa mga programang pangkalusugan ng ating bayan.

Nagbigay rin ng suporta at pakikiisa sina Vice Mayor Emiliano Lat at SB Councilor for Health Dr. Delia Latayan Tagle, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Alberto Lat, Hon. Jeric Platon, Hon. Edgardo Licarte, at Hon. Atty. Ralph Julius Leo S. Morcilla. Nagpaabot din sila ng kanilang pambungad na pagbati at mahahalagang mensahe para sa mga dumalo.

Lubos ang aming pasasalamat sa ating Municipal Health Officer, Dr. Kierley Villanueva, sa kanyang patuloy na pagsusulong at pagsuporta sa mga programa at serbisyong pangkalusugan sa Malvar.

Lubos din nating pinasasalamatan ang DKT Foundation at si Ms. Jesusan Bayos ng KLC Lying-in at ang iba pang ahensya at organisasyong patuloy na nakikiisa at nagbibigay ng suporta sa mga programang naglalayong pangalagaan ang kalusugan ng mga buntis, ina, sanggol, at kanilang mga pamilya.

Nagpaabot din ng suporta ang Rotary Club of Malvar, sa pangunguna ni President Ezpiranza Carandang, bilang pagpapakita ng kanilang patuloy na pakikiisa sa mga programang pangkalusugan ng ating komunidad.

Sama-sama tayo para sa ligtas na pagbubuntis, malusog na ina, malusog na sanggol, at mas malusog na pamilya!

❀️Malvar Super Health Center β€” katuwang ninyo sa bawat yugto ng pagiging ina.

ππ€πŠπ”ππ€π‡π€π 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππ€πŒππ”ππ‹πˆπŠπŽππ† 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍, π’πˆπ’πˆπŒπ”π‹π€π 𝐍𝐀 𝐒𝐀 πŽπŠπ“π”ππ‘π„ πŸπŸŽπŸπŸ”Mga magulang, tagapag-alaga, at mga g**o, handa na b...
25/09/2026

ππ€πŠπ”ππ€π‡π€π 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππ€πŒππ”ππ‹πˆπŠπŽππ† 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍, π’πˆπ’πˆπŒπ”π‹π€π 𝐍𝐀 𝐒𝐀 πŽπŠπ“π”ππ‘π„ πŸπŸŽπŸπŸ”

Mga magulang, tagapag-alaga, at mga g**o, handa na ba ang inyong mga anak at mag-aaral para sa School-Based Immunization (SBI)? 🏫 πŸ’‰
Simula ngayong darating na Oktubre, pabakunahan ang mga batang nasa Grade 1 hanggang 7 laban sa Measles, Rubella, Tetanus at Dipterya.
Gayundin ang mga Grade 4 na babae laban sa Human Papilloma Virus o HPV at Cervical Cancer.

Huwag palampasin ang Bakuna Eskwela para sa proteksyon ng mga bata laban sa iba’t ibang sakit.
Sa karagdagang impormasyon, magtanong lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.




See less

POST-IMPLEMENTATION PROGRAM | MR-SIA 2026 πŸ’‰πŸ’™Isinagawa ang Post-Implementation Program para sa Measles-Rubella Supplement...
23/09/2026

POST-IMPLEMENTATION PROGRAM | MR-SIA 2026 πŸ’‰πŸ’™

Isinagawa ang Post-Implementation Program para sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026 bilang pagkilala at pasasalamat sa mga barangay na nakiisa at nagpakita ng buong suporta sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kabataan.

Lubos ang aming pasasalamat sa ating mga Barangay Captains at Barangay Officials na hindi lamang sumuporta, kundi sila mismo ang nanguna sa paghikayat at pagmomobilisa sa kanilang mga nasasakupan upang maabot ang mas maraming bata at mahikayat ang mga magulang na makiisa sa pagbabakuna. Ang kanilang aktibong pamumuno ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng MR-SIA. πŸ‘

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa patuloy na suporta nina Konsehal Dr Delia Latayan Tagle at Mayor Admiral Art M. Abu sa mga programa at inisyatiba para sa kalusugan ng mga MalvareΓ±o. πŸ’™

πŸ“Š Sa kabuuang datos, ang Bayan ng Malvar ay nakapagtala ng pangatlong pinakamataas na bilang ng mga batang nabakunahan sa buong Batangas. Isang magandang resulta na nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan at aktibong pakikilahok ng buong komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng Barangay Officials, BHWs, BNS, mga magulang, volunteers, at buong Malvar Super Health Center team sa pangunguna ni Dr. Kierley N. Villanueva na naglaan ng oras, lakas at serbisyo upang maging matagumpay ang MR-SIA 2026.

Bawat bakuna ay proteksyon. Bawat batang nabakunahan ay isang hakbang tungo sa mas ligtas at malusog na Malvar. πŸ’‰β€οΈ

πŸ—“οΈ September 11,2026

Malvar Super Health Centerβ€” Sama-sama para sa Kalusugan ng Bawat MalvareΓ±o! πŸ’™

🦟 Tulong-Tulong Laban sa Dengue!Nagsagawa ang Malvar Rural Health Unit / Malvar Super Health Center ng distribution of A...
22/09/2026

🦟 Tulong-Tulong Laban sa Dengue!

Nagsagawa ang Malvar Rural Health Unit / Malvar Super Health Center ng distribution of Anti-Dengue Campaign Tarpaulins sa mga paaralan at barangay bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa dengue prevention and control.

Layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng ating mga mag-aaral, g**o, magulang, at buong komunidad tungkol sa pag-iwas sa dengue at kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran.

πŸ’§ Search and Destroy!
πŸ—‘οΈ Alisin ang mga bagay na maaaring pamugaran ng lamok.
🧹 Panatilihing malinis ang paligid.
🦟 Iwasan ang pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue.

Bawat isa ay may papel sa pagpigil ng dengue. Sama-sama nating protektahan ang ating komunidad! πŸ’™

🦷✨ Healthy Smile, Happy Child! ✨🦷Nagsagawa ng Dental Check-Up at Oral Health Education para sa mga bata sa ating mga Chi...
22/09/2026

🦷✨ Healthy Smile, Happy Child! ✨🦷

Nagsagawa ng Dental Check-Up at Oral Health Education para sa mga bata sa ating mga Child Development Centers (CDC). Kasama sa aktibidad ang pagtuturo ng tamang paraan ng pagsisipilyo at kahalagahan ng regular na pangangalaga sa ngipin.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Maria Filipina Sabale, Municipal Dentist, na nagbahagi ng kaalaman at gabay sa mga bata para mapanatili ang kanilang ngipin na malinis at malusog. πŸͺ₯🦷

Layunin nating matulungan ang ating mga kabataan na magkaroon ng malinis, malusog at magandang ngiti habang bata pa. πŸ’™πŸͺ₯

Alagaan ang ngipin, simulan sa tamang pagsisipilyo! 😊🦷

Address

Malvar
4233

Telephone

+639178267634

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malvar Super Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Malvar Super Health Center:

Shortcuts

Share