MANCH - Public Health Unit

MANCH - Public Health Unit Delivers essential healthcare services focused on disease prevention, health promotion, and community education.

We are dedicated to improving the quality of life of Manaoag residents and nearby towns through accessible, reliable, and compassionate care.

26/06/2026

At Manaoag Community Hospital, we provide accessible, compassionate, and patient-centered care for families in Manaoag and nearby communities. Your health and well-being remain our top priority.

📍 Visit Manaoag Community Hospital
📞 Call 523-0992

Katuwang sa kalusugan, ospital na maaasahan. 💙


✌️

15/06/2026

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ay muling nagpapaalala sa publiko na magingat, kasabay ng pag-ulan ay ang pagtaas ng panganib ng mga sakit na kabilang sa W.I.L.D.

💧 Water-borne Diseases
🤧 Influenza
🐀 Leptospirosis
🦟 Dengue

Kaya naman, protektahan ang sarili at pamilya sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan, pag-iwas sa baha, at pagsunod sa mga wastong hakbang sa kalusugan.

✅ Linisin ang paligid
✅ Tanggalin ang mga naipong tubig
✅ Madalas na maghugas ng kamay
✅ Magpatingin sa doktor kung may sintomas

✍️Maria Joy Escaño | 📷 Jenny Rose Patayan

✌️

15/06/2026

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, sa pamumuno ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III, katuwang ang Provincial Health Office, ay nagpapaalala sa publiko, na magingat ngayong panahon ng tag-ulan dahil mas mabilis dumami ang mga lamok na nagdadala ng dengue.

Protektahan ang iyong pamilya sa pamamagitan ng pagsunod sa 4T Kontra Dengue:

✅ Taob – itaob ang mga lalagyan na maaaring maipunan ng tubig na pinamumugaran ng mga lamok.
✅ Taktak – itaktak ang nakatenggang tubig sa mga paso, gulong, bote, at iba pang lalagyan o imbakan.
✅ Tuyo – Panatilihing tuyo ang mga lalagyan at malinis ang kapaligiran upang hindi pamahayan ng lamok.
✅ Takip – Takpan ang mga drum, timba, at iba pang imbakan ng tubig.

Maging mapagmatyag at panatilihing ligtas ang ating mga tahanan at komunidad.

✍️ Maria Joy Escaño | 📷 Jenny Rose Patayan

✌️

08/06/2026

Patuloy na sinusubaybayan ng World Health Organization (WHO) ang sitwasyon ng Ebola sa ibang bansa. As of June 04, 2026, mayroong 381 confirmed na kaso nito sa Democratic Republic of Congo at 15 confirmed na kaso sa Uganda.

Nananatiling walang kaso ng Ebola sa bansa dahil sa maigting at mahigpit na border screening, health surveillance, at monitoring na isinasagawa ng DOH-BOQ sa lahat ng paliparan at pantalan.

Basahin ang social media card para sa mga hakbang na ginagawa para mapanatiling ligtas ang bansa sa Ebola.



In honor of the 100th Canonical Coronation Anniversary of our Lady of the Rosary of Manaoag, Manaoag Community Hospital,...
22/04/2026

In honor of the 100th Canonical Coronation Anniversary of our Lady of the Rosary of Manaoag, Manaoag Community Hospital, through the Public Health Unit and DRRMH, remains on standby—ready to serve, protect, and respond. 🚑💙

Stay hydrated kabaleyan💦
18/04/2026

Stay hydrated kabaleyan💦

☀️ PAALALA LABAN SA MATINDING INIT! ☀️​Huwag hayaang ma-heat stroke! Narito ang mabilis na gabay para sa inyong kaligtas...
11/04/2026

☀️ PAALALA LABAN SA MATINDING INIT! ☀️

​Huwag hayaang ma-heat stroke! Narito ang mabilis na gabay para sa inyong kaligtasan:

​🚫 IWASAN
- ​Paglabas ng bahay mula 9:00 AM - 4:00 PM.
- ​Pagsusuot ng dark-colored at masikip na damit.

​✅ GAWIN
- ​Uminom ng maraming tubig araw-araw.
- ​Gumamit ng payong, sumbrero, o pamaypay kung lalabas.
- ​Magsuot ng maluluwag at preskong damit.

​🚨 FIRST AID (Kung may sintomas ng Heat Stroke)
- ​Ilipat ang pasyente sa malilim at malamig na lugar.
- ​Palamigin ang katawan gamit ang tubig o ice packs.
- ​Tanggalin ang labis na saplot sa katawan.
- ​Tumawag agad ng medikal na tulong

​Bantayan ang sintomas gaya ng pagkahilo, lagnat, at pamumula ng balat. Maging laging handa at alerto!

*source: Department of Health






Address

Baritao, Pangasinan
Manaoag

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MANCH - Public Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share