Daang Bakal Health Center

Daang Bakal Health Center Health Center of Barangay Daang Bakal, Mandaluyong City.

27/07/2026

📢MAHALAGANG ANUNSYO

Ang mga sanggol po na naka-iskedyul bumalik sa July 29, 2026 (Miyerkules) ay maililipat sa August 5, 2026 (Miyerkules) dahil ang ating nurse ay nasa training.

Salamat po sa inyong pag-unawa.

– Daang Bakal Health Center

🥦 NUTRITION MONTH 2026 | Daang Bakal Health Center📅 Noong Hulyo 24, 2026, matagumpay na nakiisa ang Daang Bakal Health C...
27/07/2026

🥦 NUTRITION MONTH 2026 | Daang Bakal Health Center

📅 Noong Hulyo 24, 2026, matagumpay na nakiisa ang Daang Bakal Health Center sa pagdiriwang ng Nutrition Month sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing naglalayong palawakin ang kaalaman ng ating komunidad tungkol sa wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay.

Kasama sa mga isinagawang aktibidad ang:
🥪 Egg Sandwich Making with Broccoli (Daycare)
🍞 Bread Making
🥜 Peanut Butter Making
🐟 Hito Cooking Contest
🌱 Hydroponic Broccoli Planting

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, naipakita na ang wastong nutrisyon ay hindi lamang tungkol sa pagkain ng masustansya, kundi pati na rin sa paglinang ng mga kasanayang makatutulong sa kalusugan at kabuhayan ng bawat pamilya.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, nakibahagi, at sumuporta sa programa. Patuloy nating isulong ang wastong nutrisyon at sama-samang bumuo ng isang mas malusog at mas matatag na Barangay Daang Bakal. 💙

07/07/2026

Announcement !!!

Good Day Barangay Daang Bakal.
Para po sa lahat na naka-schedule para sa bakuna ng mga baby bukas, July 8,2026 ito po ay mare-RESCHEDULE sa susunod na MIYERKULES, July 15, 2026.
Ang atin pong nurse ay nasa seminar.


Maraming salamat po.

💉 LIGTAS TIGDAS JUNE 2026 | Daang Bakal Health CenterMaraming salamat sa mga magulang at tagapag-alaga na nakiisa sa Lig...
01/07/2026

💉 LIGTAS TIGDAS JUNE 2026 | Daang Bakal Health Center

Maraming salamat sa mga magulang at tagapag-alaga na nakiisa sa Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA).

Sa pamamagitan ng pagbabakuna, sama-sama nating pinoprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at tigdas-hangin.

Bakuna ngayon, protektado ang kinabukasan! 💙💛

25/05/2026

LIGTAS TIGDAS: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 🛡️

Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH), ay nakikiisa sa pambansang kampanya laban sa Tigdas at Tigdas-Hangin upang maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa malubhang sakit, pagka-ospital, at posibleng pagkamatay.

💉 Libreng bakuna para sa mga batang edad 6 hanggang 59 buwan (wala pang 5 taong gulang).

Hinihikayat ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na health center o vaccination site sa inyong barangay ngayong Hunyo 2026.

✅ Ang bakuna laban sa Measles-Rubella ay ligtas, mabisa, at mahalagang proteksyon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa komunidad.
✅ Kahit may dating bakuna na ang bata, mahalaga pa rin ang dagdag proteksyon mula sa Supplemental Immunization Activity.
✅ Sama-sama nating protektahan ang bawat batang Mandaleño para sa mas ligtas at mas malusog na lungsod.

📍 Makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Center, nurse, o midwife para sa iskedyul ng pagbabakuna.

💙 Sa Mandaluyong, bawat bata ay mahalaga — kaya’t magpabakuna, magpaligtas sa tigdas!




22/05/2026

Announcement !!!
Good Day Barangay Daang Bakal. Para po sa lahat na naka-schedule para sa bakuna ng mga baby sa darating na May 27,2026 ito po ay mare-RESCHEDULE sa susunod na MIYERKULES, June 03, 2026. dahil ito po ay Eid'l Adha (Feast of Sacrifice) HOLIDAY
Maraming salamat po.

Send a message to learn more

20/05/2026
MISS MANDALUYONG 2026 Alyssa Mildred Villariña visits Daang Bakal Health Center spreading positivity and showing her sup...
28/04/2026

MISS MANDALUYONG 2026 Alyssa Mildred Villariña visits Daang Bakal Health Center spreading positivity and showing her support for community health initiatives. A true queen with a heart for service and wellness. ❤️

21/04/2026

Announcement !!!

Good Day Barangay Daang Bakal. Para po sa lahat na naka-schedule para sa bakuna ng mga baby bukas, April 22,2026 ito po ay mare-RESCHEDULE sa susunod na MIYERKULES, APRIL 29, 2026. Ang atin pong nurse at doktor ay nasa seminar.

Maraming salamat po.

Address

Brgy. ​Daang Bakal, Mandaluyong City
Mandaluyong

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Telephone

+63284639631

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Daang Bakal Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Daang Bakal Health Center:

Shortcuts

Share