City Health Department - Mandaluyong City

City Health Department - Mandaluyong City Mandaluyong City's Official page for the City Health Department

Not all heroes wear capes. Sometimes, they donate blood. 🦸🩸Be a blood donor! Every drop counts. 🩸🩸🩸Makakatulong ka na, m...
15/09/2026

Not all heroes wear capes. Sometimes, they donate blood. 🦸🩸
Be a blood donor! Every drop counts. 🩸🩸🩸
Makakatulong ka na, magiging healthy ka pa. Kita-kits!

MANDALUYONG, MULING NAGSAGAWA NG MASS BLOOD DONATION

Bilang patunay sa patuloy na pakikiisa sa National Voluntary Blood Service Program, muling nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamamagitan ng City Health Department, ng Mass Blood Donation katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Philippine National Police (PNP) – Mandaluyong.

🩸 MASS BLOOD DONATION
📅 Setyembre 15, 2026
⏰ 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Atrium, Executive Building

Hinihikayat ang mga Mandaleño na makiisa at maghandog ng dugo—dahil sa bawat donasyon, may buhay na maaaring mailigtas. Dugo mo, dugtong-buhay!

14/09/2026

Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ni Mayor Menchie Abalos, sa simultaneous “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat,” isang programa ng Pambansang Pamahalaan sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sa pamamagitan ng programa, naging mas malapit at mas madaling maabot ng mga Mandaleño ang iba’t ibang serbisyong hatid ng pamahalaan.

Kasabay nito ang 3rd Tranche ng pamamahagi ng tig-10 kilo ng bigas mula sa Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) para sa mga TODA drivers at senior citizens. Isinagawa rin ang payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nagbigay ng karagdagang tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Naghatid din ang Department of Health (DOH), katuwang ang City Health Department (CHD), ng iba’t ibang serbisyong medikal at pangkalusugan, kabilang ang medical consultation at iba pang serbisyong makatutulong sa pangangalaga ng kalusugan ng mga Mandaleño.

Nakiisa rin ang iba’t ibang tanggapan at ahensya ng Pambansang Pamahalaan, na nagdala ng kani-kanilang serbisyo at programa para sa komunidad—mula sa kalusugan, social services, livelihood, employment, legal assistance, at iba pang serbisyo ng gobyerno.

🇵🇭💙 HANDOG NG PANGULO: SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHATMandaluyong City, Kaisa sa Sabayang Pagbibigay-Serbisyo sa Mamamaya...
14/09/2026

🇵🇭💙 HANDOG NG PANGULO: SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT

Mandaluyong City, Kaisa sa Sabayang Pagbibigay-Serbisyo sa Mamamayan

Ngayong September 14, 2026, kaisa ang Mandaluyong City Health Department, kasama ang iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa nationwide simultaneous activity na “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat.”

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Birthday ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na binibigyang-kahulugan sa pamamagitan ng isang makabuluhang handog—ang paglilingkod sa mamamayan.

Sa Lungsod ng Mandaluyong, sama-samang nagkakaisa ang iba’t ibang departamento upang maihatid ang mga serbisyo at programa na tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

🩺 Serbisyong pangkalusugan
🤝 Serbisyong panlipunan at pangkomunidad
📋 Iba’t ibang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, patuloy nating inilalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa bawat Mandaluyongeno.

Sapagkat ang tunay na diwa ng “Handog ng Pangulo” ay ang sama-samang pagkilos upang makapaghatid ng serbisyong may malasakit, serbisyong kailangan, at serbisyong para sa lahat.

🇵🇭 HANDOG NG PANGULO: SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT!

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, para sa bawat Mandaluyongeno. 💙






07/09/2026
03/09/2026
02/09/2026
02/09/2026

Ano ang pinagkaiba ng TB Infection at TB Disease?

Detalye sa comment section.




02/09/2026

DOH: TANDAAN ANG MGA DAPAT GAWIN KONTRA LEPTOSPIROSIS

Detalye sa comment section.



02/09/2026

DOH: Nananatiling ligtas at epektibo ang mga bakuna na napatunayang nakapagliligtas ng buhay sa nakalipas na 50 taon

Marami na ang namatay dahil sa sakit na Tigdas at Tigdas-hangin. Walang namatay dahil sa bakuna.

Ang mga naiulat na pagkamatay kasunod ng pagbabakuna ay masusing iniimbestigahan at sinusuri. Batay sa isinagawang imbestigasyon, walang nakitang kaugnayan sa bakuna ang mga kasong ito.

Patuloy na mino-monitor at iniimbestigahan ang anumang naiuulat na Adverse Events Following Immunization upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.




Address

3Flr. , Executive Building, Mandaluyong City Hall, Maysilo Circle, Plainview
Mandaluyong
1550

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health Department - Mandaluyong City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share