20/06/2025
KAHIT SAAN TALAGA, MARAMI PA RING MAPANGHUSGAโฆ MARAMING MATAPOBRE ๐ซค
Akala ko sa malalaking establishments lang may mga nangsisino ng tao. Tipong kapag simple lang ang suot mo, may ibang staff na deadma saโyo at sa mga nakaporma lang kuntodo welcome, lalo sa mga mid-range resto.
Kanina lang, dumirecho kami ni Biboy sa palengke after namin kuhanin โyung ibang materials sa school niya. Naghahanap ako ng uniform na mas makapal sana ang tela at hindi cotton dahil hindi ako masipag magplantsa. Pagdating namin sa isang tindahan, wala raw available, puro maninipis. Medyo mainit at nagwawala na nang slight si Biboy. Baka rin overstimulated na siya, kaya niyaya ko na siyang umalis.
Sabi ba naman saโkin ng isang manong: โAko na magbabayad.โ
Me: โHuh? Bakit ho?โ
Manong: โMukha ka kasing walang pambayad.โ
Napatigil ako. Hindi ko alam kung anong gusto niyang palabasin, pero ramdam kong hindi โyun out of concern kundi pangungutya.
Me: โOh, paano niyo naman ho nasabi na wala akong pambayad?โ
Manong: โWala. Baka wala kang pera eh. Nagwawala na oh, โdi mo maibili.โ
Me: โAh, talaga ho ba?โ ๐ฅด
Nakatikim ng isang nagliliyab na hadouken si manong sa akin, pero syempre pigil na pigil pa rin. After all, โdi naman ako bastos lalo na sa mga nakatatanda, kahit mali pa sila. Magtitimpi ka na lang talaga. Pero hindi dapat palampasin dahil hinding hindi kailanman magiging tama na manghamak ka ng kapwa.
Hindi na ako nag-abalang ipaalam sa kanya ang kondisyon ng anak ko at kung bakit nagwawala. Mas inintindi ko, ano na lang ang mararamdaman ng sasabihan niya nang ganun lalo kung talagang walang wala โyung taong kukutyain niya? Napakababaw ng pagsipat niya sa estado ng buhay ng tao sa lipunan, pero siguradong napakasakit nun kapag sinabi sa isang taong totoong naghihikahos.
Minsan, may mga makakasagupa ka talaga sa daan na susubok sa pasensya at pagkatao mo.